Chapter 10

456 9 0
                                    

KYLE'S POV

Nandito na kami sa bar kung saan kami magkikita-kita ng mga kaibigan ko. Pagkababa ko agad kong hinanap yung sasakyan nila at nakita ko naman malapit sa kung saan ako nagpark. Pinuntahan ko yung sasakyan nila at nakita ko naman sila na nag-uusap-usap. Si Rai at Viniel palang ang nandito at wala pa si Lander.

"Pre." Bati ko na siyang ikinalingon nila.

"Oh ito na pala eh. Si Lander, pre, hindi mo kasabay?" Tanong ni Viniel.

"Hindi eh. Hindi niyo ba katext?" Tanong ko.

"Hindi." Sagot nila.

"Tawagan niyo na." Utos ko.

"Sige." Sabi ni Rai tsaka tinawagan si Lander.

"Hello, nasaan ka na?" Tanong ni Rai. "Sige. Nandito kami sa parking lot, nandito na yung dalawang asungot." Dagdag pa niya habang tatawa-tawa bago ibinaba yung tawag.

"Malapit na daw." Sagot niya saakin.

After 5 minutes...

"Ayan na pala siya oh." Inginuso pa ni Viniel yung gawing kanan namin at nakita naman namin yung sasakyan ni Lander.

"Tara na, pasok na tayo." Anyaya ni Rai nung makalapit saamin si Lander at pumasok nga kami.

Nasa labas palang kami ay rinig na rinig na namin ang malakas na tugtog sa loob ng bar at pagpasok namin, tumambad saamin ang napakadaming tao.

"Good evening, Sir." Bati nung waitress saamin.

"Good evening." Sagot namin. "VVIP." Dagdag ko.

"This way, Sir." Sabi nung waitress na iminuwestra pa yung daan papuntang hagdan.

"Ito namang taong 'to. Bakit VVIP? Ang daming chicks, oh?! Table for 4 nalang tayo o di kaya table for 8." Ngingisi-ngisi pang sabi ni Rai.

"Loko ka, Madrigal. Babae nanaman nasa isip mo." Binatukan pa siya ni Lander.

"What do you expect me to say? Bar 'to mga pre. Syempre hindi mawawala yan." Sagot naman ni Rai.

"Tss! VVIP tayo. Para kitang-kita natin sa baba at mas kitang-kita mo ang mga chicks." Pang-uuto ko kay Rai na kinindatan pa siya.

"Ayon! Hanep! Matalino ka talaga, Lim." Sabi ni Rai na inakbayan pa ako.

Nakarating kami sa VVIP Room ng bar na yun at umupo kaagad si Rai malapit sa glass window ng VVIP Room na makikita yung kabuuan ng first floor ng bar.

"Can I take your order, Sir?" Sabi nung waitress at binigay namin yung order namin.

"Bago ba 'tong bar na ito? Sa tagal ko sa BEIS ngayon ko lang napansin." Tanong ni Viniel.

"Oo, kailan ko lang din nalaman 'to. Napadaan kasi ako minsan dito dahil sinundo ko sila Mommy kaya nakita ko." Sagot ni Lander.

"Patok 'to sa mga estudyante ah." Sabi ni Viniel.

"Kaya nga VVIP yung kinuha ko, baka karamihan na magpunta dito sa BEIS pumapasok." Sagot ko.

"Pre." Tawag ni Rai saamin.

Tss! Chicks nanaman yan.

"Chicks nanaman?" Sabay-sabay na sabi naming tatlo.

"Nadali niyo mga pre, chicks nga. Chicks na chicks." Sagot niya at para naman siyang tangang panay ang silip sa ibaba..

"Saan?" Tanong ni Viniel na nakisilip na din.

"Ayon eh. Wow!" Sagot ni Rai na may tinuro pa.

"Wow na wow, pre." Tatawa-tawang sabi din ni Viniel.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon