ZANDREA'S POV
"Yes!" Malakas na sigaw ni Sam kaya napatingin kami sa kanya lahat.
Tinaasan ko siya nang kilay dahil sa reaksiyon niya. Masaya pa talaga siyang natalo ako sa laro. Hay nako.
"Ay, sorry!" Itinaas niya ang cellphone na hawak. "May nagtext kasi, yung bestfriend ko, i--i mean yung friend ko. Nanalo daw sila." Pagpapalusot niya.
Sumandal ako sa mesa. "Talaga ba?" Hindi naniniwalang sambit ko at kinuha ang cellphone ko bulsa nang suot kong blazer. Hindi ko kasi iyon inalis kanina dahil malamig nga dito sa SM.
"Oo--teka, cellphone ko yan ah?!" Nanlalaki ang mga matang sambit niya.
"Oo nga! Wala na,pmang nagtext eh." Pambubuko ko at iniabot sa kanya ang cellphone niya at kinuha ko naman ang hawak niyang cellphone at saakin iyon.
Nakarinig tuloy ako nang impit na tawanan mula sa mga kaibigan namin dahil ibinuking ko si Sam na tuwang-tuwa dahil natalo ako at liligawan siya ni Viniel.
"Tss. Maglaro na nga lang kayo!" Nakasimangot na utos ni Sam.
"Tapos na kami maglaro." Inirapan ko siya.
"Oo nga pala." Nameke pa siya nang tawa at pinagtuunan nalang nang pansin ang iniinom.
"Ubusin na ninyo yan para makabalik na tayo sa school." Yun nalang ang sinabi ko at naupo sa pang-isahang silya.
"Uy, Monte Villa! Long time no see!" Napalingon ako sa bandang entrance nang may magsabi nang apelyido ko,
Si Rogelio lang pala. Isa sa mga nakakalaro ko dito.
"Laro tayo!" Anyaya pa niya. "Uy, Sam!" Bati niya nang mapansin ang kaibigan ko.
Hindi masyadong malapit si Sam sa kanila dahil pili lang ang nilalapitan nito. Minsan kasi ay sinusungitan niya ang mga iyon.
"Katatapos ko lang eh." Sagot ko.
"Anong oras kayo aalis? Nandito sila Greg mamaya." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
Uminom ako sa fruit shake na nasa harapan ko bago sumagot. "May game?" I asked.
Napansin ko ang pakikinig nang mga kasama ko sa usapan namin at wala naman akong pakialam kung marinig man nila.
"Oo, nung nakaraan kasi wala ka! May nakasagutan sila eh, mga bago! Tapos hinamon si Greg, mamaya ang laro. Punta ka?" Anyaya niya ulit.
I shrugged again. "Not sure eh. Kasi may class ako." Sagot ko dahil iyon naman ang totoo.
"Greg!" Tawag sa kanya nung iba niyang kasama, mga bago sa paningin ko.
"Oh siya, next time nalang tayo mag-usap. Attend ka mamaya kung may time ka," yumukod siya para bumulong. "Ang laki nang pusta eh." Bulong niya.
"Sige." Sagot ko nalang bago siya umalis.
Kapag ganoong may game dito at inaabangan nang karamihan ay malaki ang pinagpustahan nila. Aabot iyon nang anim na digit kaya talagang inaabangan. Minsan ay nakipaglaro din ako sa mga kapwa ko babae dito before pero five digit lang iyon at nanalo naman ako.
One on one din kasi iyon kaya pumayag ako dahil kapag may kasama ay hindi ako sigurado kung mananalo ba kami.
"Hindi na ako magtataka kung yung susunod na papasok dito eh kilala ka din." Natawa ako sa sinabi ni Austin.
"Sila-sila lang din naman kasi ang nagpupunta dito. Wala naman halos bago dahil magkakakilala naman na sila."
"Pero ano yung bulungan kanina? Need talaga ibulong?" Masungit na tanong ni Sam,
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...