Chapter 5

503 10 0
                                    

KYLE'S POV

Napansin ko ang pananahimik nung isang babae na kasama nila. Kahit na nagtatawanan at nag-uusap yung mga kasama niya para siyang walang pakialam, pinagpapatuloy lang basta niya ang pagkain.

"Maganda yung isang yun, pre." Rai.

"Saan diyan?" Tanong ni Viniel.

"Yung katabi nung bakla sa pila kanina." Sagot ni Rai at pasimpleng tinuro niya yung katabi nung babae.

Parehas kasi silang nasa harapan ko kaya kitang-kita ko ang galaw nung dalawa.

"Oo nga, mukhang tahimik pa." Lander.

"Sa kanilang lahat siya lang ang tahimik." Singit ko sa usapan nila.

"Pansin ko nga din. Pero kanina parang hindi naman diba?" Lander.

"Baka may iniisip. Boyfriend niya siguro." Rai.

"Kung may boyfriend yan. Sana kasabay niya. Nasan utak mo, Madrigal?" Viniel.

"Bakit ba, pwede namang LDR sila tapos iniisip niya. Oh kaya sa ibang school, dun sa pinaggalingan nila." Pakikipagtalo pa ni Rai. "Nandito utak ko, oh, gago!" Itinuro pa niya ang sintido at nagtawanan kami.

"Malay ko ba kung nasa siko mo yung utak mo. Sa talampakan pwede na din." Pang-aasar pa din ni Viniel.

"Gago!" Sagot ni Rai na natatawa na din.

Saktong pagtingin ko ulit don sa babaeng pinag-uusapan namin. Bigla pa akong nagulat dahil nakatingin siya saakin. Hindi lang pala siya pati yung iba niyang kasama nakatingin na saamin. Bigla ko namang naiiwas yung tingin ko sa kanya. At pasimple siyang tinignan ulit at laking pasasalamat ko na hindi na siya nakatingin.

Narinig kaya nila na pinag-uusapan namin siya? Hindi naman siguro.

"Nakakahalata na yata silang pinag-uusapan natin sila." Mahinang sabi ko at gulat naman silang tumingin saakin.

"Ha?"

"Anong ha? Nakatingin sila dito saatin kanina." Sabi ko sa kanila.

"Nakita mo?" Tanong ni Rai na halatang hindi naniniwala.

"Sasabihin ko ba kung hindi ko nakita?!" Pambabara ko.

"Paano?" Tanong pa ulit ni Rai.

Minsan talaga hindi ko maintindihan 'tong taong 'to eh. Matalino naman 'to. Slow lang kung minsan.

"Edi ginamit ko yung mata ko, nasa siko mo nga yata yang utak mo eh." Pang-aasar ko habang tumatawa.

"Gago naman 'to. Pati yung babaeng tahimik nakatingin?" Tanong ni Rai.

"Oo! Sa kanya ako tumingin tapos nakatingin na pala saakin. Hindi lang saakin tinignan tayong lahat tsaka lahat din sila nakatingin." Sagot ko na pasimple pa din sinusulyapan yung table nila. "Diba may nililigawan ka, Madrigal? Bakit parang atat kang malaman?" Dagdag ko.

"Gusto ko lang malaman, malay mo naga-gwapuhan saatin." Sagot niya habang tumatawa.

"Dati na tayong gwapo at alam nating lahat yan" Sagot naman ni Lander.

"Pero iba yung tingin niya eh." Sabi ko.

"Sino? Yung bakla ba? Malamang sa malamang iba talaga tingin non, tingin ng may pagnanasa." Tumatawang sagot ni Viniel at nagtawanan naman kami.

"Gago! Hindi siya! Yung pinag-uusapan natin yung sinasabi ko, yung babaeng tahimik kanina."

"Panong tingin, pre? Tinging kakain ng tao?" Tanong ni Rai.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon