Chapter 82

131 3 5
                                    

Author's Note: 3000+ words. Very good self! Mahaba-haba ang update. Sana lang hindi lame. HAHAHAHAHA

• ANG TAGAL KO BEFORE MAKAPAG-UPDATE. YOU KNOW WHY NAMAN NA. LAST WEEK PA SANA 'TONG UPDATE NA ITO PERO HINDI KINAYANG MAEDIT AT MA-FINALIZE DAHIL SA DAMI NG GINAGAWA SA WORK. PASENSIYA NA.

PS: Takecare of yourself, guys! Lalo na ngayon at may COVID-19. Always wash your hands and use alcohol. Huwag magpunta sa crowded places, kung pupunta man make sure na magdala ng mask, maghugas ng kamay, mag alcohol at uminom ng tubig at vitamins.

adilsheham hi, bebe. This update is for you. Thank you for supporting my work. Hope you enjoy this update. 😘😘😘

YANNAH'S POV

Nasa isang private beach resort kami dahil sa advance birthday celebration ni Samviel. Pag-aari daw nila Kyle ito sabi ni Lander.

"Guys, nakita niyo ba si Yexa?" tanong ni Rai.

Tinignan namin ang isa't-isa at ngayon lang din namin napansin na wala nga si Yexa.

"Hindi eh." sagot ng ilan saamin.

Saan naman kaya nagsusuot yung taong yon?

Tinanaw ko pa ang gawi kung saan ko siya nakita kanina. "Nandoon siya kanina sa gilid ng kubo niyo." sagot ko.

Kubo ang tawag nila sa mga tulugan dito dahil gawa lahat iyon sa kahoy.

"Wala siya doon eh. Kanina pa ko paikot-ikot doon." sagot naman ni Rai.

Nakaupo kasi kaming lahat sa harap ng bar counter na nasa mismong pool.

"Baka nagawi sa beach." turo pa ni Sam sa gawi ng beach.

Nilingon ko ang parte ng beach at naaninag ko kaagad sa 'di kalayuan ang nakaupong si Yexa at may kausap na bata.

"Yun siya oh." tumayo pa ako at itinuro ang gawi niya.

Nagpasya kaming puntahan si Yexa at ng akmang magpapaiwan si Kyle ay inakbayan na siya kaagad ni Rai at iginiya ito papunta sa beach.

"Pre, bakit may bata dito? Diba private resort ito?" tanong ni Rai.

"Malay ko." masungit na sagot ni Kyle at inalis ang pagkakaakbay sa kanya ni Rai.

Hindi ko nalang pinakinggan ang pinag-uusapan nila at nagpatiuna sakanilang maglakad.

"Where's your mom?" dinig pa namin na tanong ni Yexa.

Hindi sumagot ang bata at naagaw naman namin ang atensiyon nito pati na din si Yexa.

"What are you doing here?" tanong kaagad ni Kyle.

Tinignan ko siya kung sino ang tinatanong niya at hindi ko mapagtanto kung si Yexa o yung bata ba ang tinatanong niya.

"I'm asking you, kiddo." tanong pa nito.

Nakita ko ang pagtaas ng isang kilay ng bata. Tinitigan ko pa ito at napansin ang mamula-mulang pisngi nito, panigurado ay dahil iyon sa araw. Makapal din ang kilay nito na animo nag-ahit dahil sa ayos nito at pagkakahulma, mahaba at makapal din ang pilik-mata nito na naka-curve. Pati ang labi nitong maliliit ay sobrang pula. Itinaas kasi nito ang sunglasses niya papunta sa tuktok ng ulo.

"Isn't obvious?" nanlaki ang mata ko sa isinagot niya.

Tinignan pa nito ang hawak na mga shells at pebbles na paniguradong pinulot niya dito sa beach nila Kyle.

"Bawal ang trespassing dito at lalong-lalo ng bawal manguha ng mga hawak mo." may banta na sa boses ni Kyle.

"Kyle naman, bata yan oh." panunuway pa ni Sam pero hindi man lang siya sinulyapan nito.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon