ZANDREA'S POV
Pagdating namin sa Quantum, nagpapalit kami ng token tsaka kami naghanap ng pwedeng laruin. Madaming tao ngayon lalo na at school days pa kaya madami din mga estudyanteng tumatambay dito. Karamihan nga ay mga estudyante.
"Ang daming tao wala tuloy tayong malaro." Sambit ni Sam na palinga-linga.
"Kaya nga eh." Singit din ni Yanah.
"Best, don nalang tayo sa dati." Anyaya ko.
"Sige ba. Doon tayo sa tambayan namin." Tawag-pansin ni Sam sa mga kasama namin.
"Saan? Hindi na tayo maglalaro?" Tanong ni Yexa.
"Mamaya na, madami pang tao." Sagot ni Sam.
"Sige, saan ba?" Tanong ni Venice.
Hindi na namin siya sinagot at naglakad nalang kami papunta sa tambayan namin. Doon kami tumatambay kapag wala kaming magawa ni Sam. In short, kapag boring na boring na kami sa bahay ay doon kami naglalagi. Nung makarating kami sa tambayan nagtataka naman kaming tinignan ng mga kasama namin.
"Dito kayo tumatambay?" Nagtatakang tanong ni Yexa.
"Marunong kayo?" Tanong din ni Austin.
"Kaya nga dito ang tambayan nila eh. Malamang marunong sila." Pambabara ni Miko kay Austin.
"Sabi ko nga. Tss!" Sagot ni Austin.
Nagpunta nalang ako sa bayaran para makapaglaro na kami. Bahala silang magbangayan don dahil araw-araw naman sila kung magbangayan.
"Laro na nga tayo." Anyaya ko.
"Paturo kami." Sabi ni Yanah at tumango lang ako.
"Sa inyo, sinong marunong?" Tanong ni Sam sa mga lalaki na kasama namin.
"Si Kyle." Biglang sagot ni Rai.
"Siya lang?" Tanong ni Yexa.
"Oo, eh." Tatawa-tawang sagot ulit ni Rai. "Marunong naman kami kaso hindi masyado." Dagdag pa niya.
"Tss! Edi marunong pa din." Sabat ko.
"Sabi ko nga." Pilit ang tawang sagot ni Rai.
"Ganito nalang!" Biglang sabi ni Miko at napatingin naman kami sa kanya na hinihintay yung sasabihin niya.
"Tutal, may CRUSH naman sila sa inyong apat." Sabi niya sabay turo don sa apat na lalaki at diniinan pa ang isang salita. "Edi idaan nalang natin sa pustahan." Dagdag niya.
"Ano?" Tanong naman agad ni Sam.
"Kapag natalo kayo." Sabi niya saamin. "Liligawan nila kayo." Turo niya sa apat.
"Whaaaat?"
"Ano?"
Sabay na sabi namin ni Sam at napatingin naman ako sa kanya.
"Pa-ano-ano ka pa diyan. Gustong-gusto mo naman." Bulong ko kay Sam na hindi ko akalain na maririnig nila kaya nagtawanan yung mga kasama namin.
"Namumuro ka na ah?!" Paninita niya saakin.
"Eh paano pag natalo sila?" Tanong ni Venice kay Miko na tinuro pa yung apat.
"Edi hindi na sila manliligaw sa kanila, deal?" Sabi ni Miko sabay turo saamin.
"Galing mo gumawa ng deal ah." Sambit ni Austin.
"Ayoko." Biglang sabi ko at napatingin naman sila saakin.
"Bakit?" Tanong ni Yexa.
"Payag ka na." Pamimilit ni Yexa.
"Bakit kayo ganyan? So, gusto niyo magpaligaw sa kanila?" Tanong ko. "Edi huwag na magpustahan. Sagutin niyo na sila agad. Tutal gusto niyo naman sila diba?" Dagdag ko tsaka ngumisi at napaiwas naman sila ng tingin saakin.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...