ZANDREA'S POV
Nagbabasa ako sa libro at nagha-highlight nang mga importanteng details nang sumabay saakin si Sam na maglakad at dumaldal.
"Best." Tawag saakin ni Sam.
"Hmm?!" Tanging sagot ko.
"Gusto daw tayong kausapin ni Austin mamaya."
"Bakit daw?" Tanong ko.
"Ewan ko, mamaya daw eh." Sagot niya.
"Bakit hindi pa ngayon?" Tanong ko ulit.
"Mamaya nga daw, mamayang vacant." Parang nauubusan ng pasensiyang sabi ni Sam.
"Okay." Sagot ko nalang, pasalamat siya at good mood na ako ngayon kahit ang aga-aga eh may nambwisit saakin kanina.
Naglalakad na kami papunta sa laboratory nung may mga estudyante kaming makasalubong.
Tss! Mga elementary students yata 'tong mga 'to. Hays! Nagtakbuhan ba naman papasok sa laboratory. Akala ko lang pala mga elementary yun pala mga BA Students. Mga isip bata.
"Akala ko ba tayo ang gagamit sa lab?" Nagtatakang tanong ni Yanah.
"Diba may kasama tayo sabi ni Ma'am kanina?!" Sagot ko. "Baka sila yan."
"Ay, oo nga pala." Napapahiyang sagot ni Yanah at nagpeace sign.
"Tara na. Mukhang madami din sila." Anyaya ni Miko. "Maubusan pa tayo ng upuan sa harap."
"Sa harap talaga? Himala, ah." Pang-aasar ni Venice.
"Tse! Ikaw talaga kahit kailan! Hmp!" Maarteng sabi ni Miko.
"Tara na nga baka maubusan pa tayo ng upuan sa harap!" Natatawang sabi ko din na inulit yung sinabi ni Miko.
"Eh kung si Zandrea ang nagsabi kanina edi wala sana akong nasabi." Tatawa-tawa pang sabi ni Venice.
"Ikaw! Sumosobra ka na ha!" Marahang hinila ni Miko yung buhok ni Venice at tinawanan lang naman siya nito.
Pumasok na kami at tama nga ang sinabi ni Miko. Wala ng bakante sa harapan. Pahaba kasi ang mesa dito sa laboratory at sa bandang gitna ang madaming bakante.
Tss! Alam ko na ang drama ng mga 'to. Pupunta sila sa harap para kunwari nakikinig sila. Tapos sa likod para hindi masyadong mapansin. Sa mga pwestong yan kaya madalas magtawag ang mga profs, bahala sila sa buhay nila. Kahit saan naman ako maupo, okey lang. As long as maririnig ko yung sinasabi ng prof.
"Dito nalang tayo mga bakla." Turo ni Austin sa mga bakanteng upuan.
"Sabi sa inyo eh. Wala ng bakante sa harap." Nakangising sabi ni Miko.
"Okey din naman dito." Sabi ni Yexa. "Para kahit papaano hindi masyadong pansinin. Alam niyo na, mahina tayo sa science." Pabulong niyang sabi tsaka umupo ng maayos.
"Nandamay ka pa bakla, ikaw lang kaya." Pang-aasar ni Miko.
Hindi ko nga alam kung bakit may subject kaming ganito eh. Hindi naman kami med students kung tutuusin.
"Oo nga. Idamay ba naman kami 'teh." Maarteng sabi ni Austin.
"Kaya pala wala man lang isa saatin ang nakapasa nung second year 'no?" Pambabara ni Yexa at nag-fake laugh. Hindi naman nakaimik yung mga kaibigan namin.
"Sabi ko nga." Sagot ni Miko na umiwas pa ng tingin.
"Sabi ko nga eh, bagsak ako." Sagot ni Yanah at sinimangutan niya si Yexa.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
JugendliteraturZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...