Chapter 15

348 5 0
                                    

ZANDREA'S POV

"Seryoso?" Halos sabay-sabay nilang tanong at tumango naman ako.

Inalis ko ang airpods ko para mapakinggan sila nang maayos dahil nakikinig nga ako nang music.

"Yung totoo?" Tanong pa ni Sam na akala mo hindi niya alam na ganon ang magiging punishment ko kung sakali.

"Oo nga! Mukha ba akong nagbibiro ha, Samantha Rose?" Tinaasan ko pa siya nang kilay.

"Are you kidding me?" Pinanlakihan pa niya ako ng mata.

Umiling ako at tinitigan siya. "Hindi nga! Ano ba?!" Naguguluhang sagot ko sa kanya.

"Eh ano 'to?" Sabi niya sabay turo sa bulsa ng uniform ko, sa blazer ng uniform ko, actually.

"Yung lumang phone ko lang 'to. Matagal ko ng hindi ginagamit 'to." Sagot ko at ipinakita sakanya yung phone ko.

"Akala ko ba 'As in, lahat?' Tanong ni Miko.

"Tss. Hindi ko naalala na meron ako nito ngayon. Sanay kasi akong isang phone at iPad ang dala ko kung hindi naman iPad ay yung laptop ko." Mahabang sagot ko.

"Pero, buti gumana pa? Matagal mo na ngang hindi ginagamit yan ah? Akala ko nga nawala mo na eh." Tanong ni Sam.

"Hindi ah. Oo burara ako. Pero kilala mo naman ako pagdating sa ibang gamit lalo na pag importante saakin diba?" Sabi ko.

"Kung sabagay!" Tatango-tangong sabi niya.

"Oh ano? Todo sermon ba kagabi?" Pang-uusisa ni Austin.

"Ako nasermunan." Tuwang-tuwa pang sabi ni Yexa. "Before 10 din kasi ang paalam ko." Dagdag pa niya. "Pero sermon lang naman."

"Ako kasi parang wala lang eh." Miko.

"Ako din, alam na yata nila ang gawain ng mga magagandang tulad ko." Sagot naman ni Austin at natawa kami.

"Ako naman, tinanong lang kung saan ako galing. Wala kasi sila nung umalis ako." Yanah.

"Tss! Ako nasermunan." Sagot ni Venice.

"Ha?! Ikaw 'teh? Masesermunan, hindi nga?" Pambubuyo ni Miko.

"Oo naman. Nasermunan ng boyfriend." Tumatawang sagot ni Venice.

"Akala ko naman ng parents." Miko.

"Hmm.. Ako kasi wala eh, pagkauwi deretso kwarto lang. Alam naman ni Tita kung saan ako galing." Sagot naman ni Sam.

"Ikaw teh?" Tanong nila saakin.

"Tss! Ano pa nga ba? Edi todo sermon. Pero sanay na ko!" Natatawang sagot ko.

"At tuwang-tuwa ka pa?!" Nakasimangot na sabi ni Sam at binatukan pa ako.

"Hindi naman. Sinong matutuwa? Kung no gadgets ka na nga tapos grounded ka pa. At ito pa pala, hatid-sundo ng driver." Nakangiwing sabi ko.

"Ano?!" Sagot nilang lahat at napatingin naman ako sa paligid.

Aish! Makasigaw kasi eh. Napatingin tuloy sila saamin.

"Ssshhhh, ano ba! Huwag nga kayong sumigaw." Bulong ko sa kanila.

"As in hatid-sundo talaga?" Pag-uulit ni Yexa.

"Oo nga." Sagot ko.

"Dati naman hindi ka hatid-sundo ah. Kung no gadgets lang, maiintindihan ko pa yun kasi ganon naman dati." Sabi ni Sam.

"Yun na nga eh!" Ungot ko.

Hindi na nila ako sinagot dahil nag-umpisa ng magsalita yung Dean.

"Good Morning, Everyone." Bati ni Dean. "Alam ko na nagtataka kayo kung bakit kayo nandito ngayon." Dagdag pa niya.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon