Samantha's POV
Nang dahil diyan sa announcement na yan hindi na kami nakakain. Buti nalang talaga naalala nila Viniel. Binilhan nila kami ng pagkain.
Sila kaya kumain na? Kumain na siguro mga yun. Sweet niya 'no? Kaya naging crush ko yun eh. Ewan ko lang kay Zandrea kung may gusto na din yan kay Kyle. Basta ako crush ko si Viniel.
Tapos na yung last subject namin para sa araw na 'to at heto kami nag-aayos ng gamit para makauwi na.
"Zandrea, si Kyle hinihintay ka sa labas." sabi nung isa sa classmate namin.
Ano daw? Si Kyle nasa labas? Wew! Edi siya na. Haha sana pati si---
"Pati pala sila Viniel, Rai at Lander nasa labas." dagdag nung classmate ko.
Iniisip ko palang, nandiyan din pala siya.
"Kulang nalang umabot hanggang likod mo yang bibig mo sa sobrang pagkakangiti." pang-aasar ni Zandrea.
Tss! Kahit kailan talaga panira.
"Panira ka eh 'no alam mo yun? Hmpt!" ungot ko.
Tumawa lang siya at isinenyas ang pinto. "Lumabas ka na hinihintay ka daw ni Viniel. If I know, kanina ka pa atat na atat na lumabas." pang-aasar pa niya.
"Bestfriend talaga kita eh. Alam mo takbo ng isip ko." sagot ko tsaka siya inakbayan.
"Sige, akbay pa. Baka pagkamalan ka ni Viniel na tomboy. Ayawan ka non." biro niya.
"Tss! Loko ka. Diyan ka na nga." mahina ko siyang itinulak. "Labas na ako ha?" Pagpapaalam ko sa kanila.
"'Tong baklitang 'to lalandi nanaman." pang-aasar din ni Miko.
"Ah, ganon? Pagtulungan ba naman ako?!" Pagtatampo ko.
"Sige na. Lumabas ka na kasi." pagtataboy saakin ni Zandrea.
"Sige. Pagtabuyan niyo ko." sagot ko tsaka sumimangot.
"Bakit naman kasi pinagtutulungan niyo yung future girlfriend ko?" Sabi ni Viniel tapos inakbayan ako.
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang ngiti.
"Eh kasi---" akmang sagot ni Zandrea pero pinigilan ko.
"Hehe. Wala yun, Viniel." sabi ko at hindi ko napansin na nakapasok na din yung tatlo.
Tumawa ang mga kaibigan ko ng magmadali akong yayain si Viniel palabas.
"Tara na nga." aya ko pa tsaka nagpaumunang naglakad.
Nasa labas na kami at pinagtitinginan nung mga kapwa namin estudyante. Paano ba naman kasi pair by pair. Ako at si Viniel, si Zandrea at Kyle, Si Yexa at Rai, Si Yanah at si Lander, Si Venice---what?! Di ko napansin kasama pala niya si Alex. Tapos si.. Miko at Austin. Ayun! Nagbabangayan nanaman.
"Ikaw nanaman tuloy kasama ko." Nakasimangot na sabi ni Miko.
"Ha! As if naman na gusto kitang makasama 'no. Baklang bakulaw na 'to. Arti!" Pang-aasar ni Austin.
"Ganyan ba talaga yang dalawang yan?" Dinig kong tanong ni Kyle kay Zandrea.
"Masanay ka na sa dalawang yan." masungit na sagot ni Zandrea.
Gwapo din nito ni Kyle eh. Pero mas gwapo si Viniel para sakin.
"Sungit ng bestfriend mo." Bulong saakin ni Viniel.
"Mabait yun. May sumpong nanaman siguro." tatawa-tawang sagot ko.
"Galit ba yun sa mga lalaki?" Tanong pa niya.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...