Chapter 20

326 5 0
                                    

ZANDREA'S POV

Katatapos lang nang klase namin at napaisip ako sa sinabi nila Miko kanina. Naririnig ko na din dati yung tungkol sa boyfriend ni Angelica pero hindi ko pinapansin. Hindi ako natatakot don. Kaya nga ang lakas ng loob kong sagot-sagutin si Angelica eh.

Hindi naman ako ang mae-expell kung sakali at hindi ko hahayaang mangyari iyon.

"Late yata si ma'am ngayon?" Tanong ni Miko na nakatingin pa sa labas.

Hinihintay kasi namin ang prof namin para sa susunod na klase. Same room kasi kami sa naunang subject kaya hindi na kami lumabas pa.

"Oo nga 'no?" Yexa.

"Baka free cut." Yanah.

"Hindi free cut, nandiyan na kaya si ma'am." Sabat nung isa naming classmate kaya nagsibalik na sila sa kanya-kanyang upuan.

Maya-maya lang ay pumasok na ang prof namin kaya hindi na kami nag-usap-usap pa.

"Good afternoon, ma'am." Bati namin.

"Good Afternoon." Bati din niya. "Where's your president?" Tanong niya.

Dito kasi kada first day may botohan kung sino ang president at vice president para kapag may program ang course niyo yung mga president nalang ang pupunta para makipagmeeting. Para hindi na din masyadong hassle tsaka masyado kaming marami para ipatawag pa kami lahat sa gym or auditorium.

"Why, ma'am?" Tanong nung president.

"Can you please announce this to your classmates?" Sabi nya sabay abot sa hawak niyang papel.

Pwede namang siya nalang mag-announce, eh. Katamaran! Hays!

"Okay classmates, listen." Sabi nung president namin. "Gaya nga ng announcement kanina ni Dean, may gaganaping botohan next week at kailangan ng bumuo ng dalawang grupo per course, eh wala pa tayong nabubuong grupo so kung sino ang gustong sumali magparegister nalang saakin mamaya at titignan namin kung okey ba ang grades niyo sa kukunin niyong posisyon."

"Tss.. Nasabi na yan kanina eh." Mahinang reklamo ni Sam.

"Manahimik ka nalang." Paninita ko.

"Lahat kasi ng section ay kailangan meron kahit isang representative lang. At nine section ang meron tayo this semester. Masyado tayong madami kaya kailangan ko yung cooperation niyo para dito." Sabi pa nya.

"Sali ka, best." Baling saakin ni Sam.

"Tss.. Ikaw na." Tanggi ko. "Kabago-bago ko lang dito, sino naman ang boboto saakin dito?" Dagdag ko pa.

Dati kasi akong officer sa dati din naming school kaya sinasabihan ako niyan na sumali.

"Madami yan, ikaw pa." Ngiting-ngiti na sabi ni Sam.

Hindi ko siya sinagot at itinuon nalang ulit ang tingin kay President.

"This week kailangan kumpleto na ang mga names ng mga lalaban sa mga nakalaang posisyon at yung nalalapit na Mister & Miss BEIS. Kailangan ko din ng cooperation niyo." Sabi niya sabay tingin saakin at ako pa yata ang gusto nitong isali.

"Best, ikaw na sumali." Sabi ulit saakin ni Sam.

"Ikaw, kanina ka pa ha!" Paninita ko. "Papahamak mo pa ko." Dagdag ko pa.

"Hindi naman, best. Sayo kasi nakatingin si Pres." Nakangiting sabi niya at akalain mo ba namang nakita pa niya iyon.

"Next month na yun kaya this week palang maghahanap na kami ng pwedeng isali para hindi masyadong hassle kapag sa mga susunod na week pa kami naghanap. Kung saatin kasi, hindi problema yan dahil maraming pwedeng isali kaso ang kailangan talaga natin ay yung may kumpiyansa sa sarili." Mahabang litanya pa niya.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon