Chapter 79

150 4 0
                                    

FEEL FREE TO READ MY STORIES. 📖

√ CAMPUS KING MEETS CAMPUS QUEEN.

√ I'M INLOVE WITH MY BESTFRIEND'S BROTHER.

√ LOVE ME IF YOU DARE.

√ I STILL LOVE YOU.

DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE SOME COMMENTS. 😊



@

MaryClaireFaeldonia thank you sa pagbabasa ng story ko and thanks sa pagpapaalala na kailangan ko na palang mag-update. 😘 This chapter is for you. Enjoy!

RAI'S POV

Mag-dadalawang taon na mula ng umals si Zandrea at maaksidente si Kyle. Nasa sementeryo kaming lahat ngayon, ang mga kaibigan ko kasama si Alex at ang mga kasintahan namin.

Napaisip nanaman ako tungkol sakanila. Hanggang ngayon ay hindi namin alam kung bakit nangyari iyon sa kanya o mas magandang sabihin nating sakanila. Hindi namin lubos maisip na hahantong sila sa ganoong sitwasyon dahil sabi nga ng iba ay perfect match sila. Pero hindi pala doon nasusukat ang pagmamahalan, may isa talagang susuko kahit na alam nila na kaya silang ipaglaban ng partner nila.

Mula din ng makita ko siya noong muntik ko na siyang masagasaan ay hindi na muling nagkita ang landas namin. Siguro ay todong pagtatago na ang ginawa niya.

"Woi, gunggong. Tara na. Tulala ka nanaman diyan." pang-aasar ni Lander.

Siya na yata ang pumalit sa pagiging mapang-asar at happy-go-lucky ko sa tropa. Mula ng mangyari iyon ay parang hindi ko na magawang magbiro, parang ang hirap na kasing magbiro lalo na sa mga panahong iyon.

Minsan ko pang sinulyapan ang mga lalaki na naglalagay ng lupa sa ibabaw ng kabaong bago sumunod sa mga kaibigan ko. Nakita ko pa ang mga papaalis na sasakyan ng mga nakilibing ng araw na iyon.

"Dadaan pa ba tayo sakanila?" tanong ni Lander.

Naghintay kami ng sasagot pero mukhang wala silang balak kaya ako na ang nagsalita.

"Hindi na siguro. Masyadong malungkot ang ambiance doon at hindi ko iyon kaya." sagot ko.

"Totoo. Lalo na kagabi, sobrang lungkot." sagot ni Venice.

Kahit saan namang libing ay malulungkot talaga ang mga tao lalo na kapag last night dahil yun na ang huling beses na makikita nila ang mahal nila sa buhay ng buo.

"Ang bilis ng panahon no? Parang kailan lang magkakasama tayong naghaharutan sa school, yung pagpunta natin sa bar, paggala natin kung saan-saan, tapos ngayon malapit na magdalawang taon si Samviel, ang saya-saya nating lahat lalo na sila, pero natapos lahat ng yon dahil sa isang pangyayari na hanggang ngayon hindi natin alam kung ano ba talaga ang nangyari. Nakakalungkot isipin na hindi na iyon maibabalik sa dati, yung tipong magugulat nalang tayo noon may out of the country tayo kahit wala namang okasyon basta natripan lang nila." pagbabalik-tanaw ni Yexah.

Nanahimik naman kami at walang naglakas-loob na sumagot o magsalita man lang.

"Ngayon may mga ikakasal na saatin at madadagdagan na ang baby sa tropa." dagdag pa niya at ang tinutukoy niya ay si Yanah na sa susunod na araw na ang kasal. Si Venice naman ay dalawang buwang buntis.

"Ano ka ba, masyado ng madrama." panunuway ni Venice dahil sa buntis ito ay medyo maselan siya at mabilis maiyak.

"Pinapaalala ko lang be, baka kasi mamaya isa-isa ko na din kayong hindi makita. Baka dahil may mga sariling buhay at pamilya na tayo ay mawalan na tayo ng time sa isa't-isa." Yexa.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon