Chapter 13

359 6 0
                                    

Kyle's POV

Dahil nag-uumpisa na nga talaga siyang mag-ingay at baka makaagaw kami ng atensyon dito. Bigla ko nalang siyang hinalikan sa labi at bago ko ipikit ang mga mata ko nakita ko ang gulat sa mukha niya.

"Hoy!" May narinig kaming sumigaw at bigla kaming napahiwalay at gulat na napatingin kay Sam.

Panay na ang daldal nang kaibigan niya kaya napangisi ako lalo na nang malaman na wala pang first kiss si Zandrea.

Totoo kaya yon o joke lang ni Samantha? Kung totoo man yon ang swerte ko naman anf at her age wala pa siyang first kiss. Hindi pa kaya siya nagkaroon nang boyfriend kaya wala pa siyang first kiss? But why? Study first lang ba talaga siya o sadyang mapili siya kaya wala pa siyang nagiging boyfriend?

Umakyat na ako sa kwartong inookupa namin ng nakangiti dahil hindi mawala sa isip ko yung lambot ng labi niya. At kahit madilim ay pansin ko yung mamula-mula niyang pisngi. Nung malapit na ako sa kwartong inokupa namin, narinig kong tinatanong nila si Zandrea kung ano ang nangyari sakanya kaya lumapit ako sa pinto nilang medyo nakabukas. Nakaharang kasi si Sam kaya hindi nila ako napansin.

Dinig na dinig ko ang mga sinabi nila kay Zandrea. Napailing nalang ako sa sobrang kakulitan nilang lahat.

"Oh pre, saan ka galing? Tagal mo ah?" Tanong ni Viniel.

"Oo nga, paubos na 'tong iniinom natin ngayon ka lang dumating." Sabi ni Lander at isang matamis na ngiti lang ang itinugon ko sa kanila.

"Nambabae 'to, pre. Ang laki ng ngiti eh." Pang-aasar nanaman ni Rai.

"Huwag mo ko itulad sayo, Madrigal." Dinuro ko pa siya.

"Saan ka nga galing?" Tanong pa niya.

"Diyan sa kabilang kwarto." Sagot ko.

"Ha?" Sagot nila na tumingin pa saakin ng gulat na gulat habang nakanganga.

"Anak ng kagang naman 'to oh, hindi nag-aaya." Reklamo ni Viniel.

"Oo nga, selfish!" Sigaw naman ni Rai.

"Pero hindi nga, pre. Saan ka talaga galing?" Tanong pa ulit ni Lander.

"Diba nga bumaba ako tapos nakakita ako ng chicks." Nakangising panimula ko.

"Buti chicks at hindi manok, pre." Kahit kailan talaga walang matinong sinasabi itong si Rai.

"Sira! Palibhasa mahilig ka sa manok eh. Inahing manok." Pang-aasar ko din.

"Gago ka, Lim." Sagot niya na inambaan pa ako ng suntok at natawa nalang ako habang umiiwas.

"Oh, tapos?" Atat na tanong ni Lander.

"Curious talaga kayo 'no?" Pambibitin ko pa sakanila.

"Sino ba naman ang hindi eh, ngiting-ngiti ka diyan." Sagot ni Viniel.

"Naka-score ka 'no?" Taas-baba pa yung kilay ni Rai at nginitian ko lang siya tsaka ininom ang alak na nasa baso ko.

"Di nga, pre, naka-score ka talaga?" Tanong ni Rai nung matauhan sila sa sinabi ko.

"Hindi." Natatawang sagot ko pero halatang hindi sila naniniwala.

Alam kasi nilang hindi naman ako basta-basta naghahanap nang babae sa bar. Siguro, usap lang ganon, pero yung higit doon hindi na.

"Sinong chicks, pre?" Tanong ni Viniel.

"Don't tell me si Zandrea yan?" Hindi siguradong tanong ni Viniel at nginisian ko lang siya kaya napuno ng asaran sa kwarto namin.

Napansin ko yung paglabas nung pito sa inookupa nilang room at parang nagmamadali. Tinignan ko sila sa glass window ng inookupa naming room hanggang sa makalabas sila.

Bakit parang nagmamadali sila at hindi maipinta yung mga mukha? Baka mali lang ako nang napansin.

"Umi-score ka talaga? Akala ko ba ayaw mo nang ganon?" Tanong pa ni Viniel na mataman na akong tinitignan.

"Hindi naman totally umi-score, ano bang iniisip ninyo?" Napailing pa ako.

"Akala ko may ginawa na kayo sa sasakyan mo eh!" Humagalpak nang tawa si Lander nang sabihin iyon.

Inubos ko ang laman nang basong hawak ko at tumingin sa ibaba. Habang palalim nang palalim ang gabi ay padami din nang padami ang tao dito.

"Order pa ko." Tumayo si Rai at bumaba sa counter para mag-order pa nang mga inumin.

"Kamusta yung pinapa-imbestigahan ninyo?" Maya-maya ay tanong ni Viniel.

"Wala pang lead eh, tsaka hindi ko pa ulit nakakausap si Dad." Sagot ko at nagsalin nang alak sa baso ko.

May kalahati pa naman yung bote nang jack daniels dito sa mesa

:)

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon