Samantha's POV
Kanina ko pa hinahanap si Zandrea at hindi ko siya makita kahit saang sulok ng bar.
Nasaan na ba yun? Kasama lang namin dito sa dance floor yun ah. Delikado pa naman dahil nakainom kami. Pero konti palang naman yung nainom namin.
Nakipagsiksikan ako sa mga tao sa loob ng bar para lang makalabas.
"Aish! Excuse me, makikidaan po ang maganda." Sigaw ko para marinig nila.
Lumabas ako ng bar dahil nagbabakasakali akong lumabas siya at nagyosi.
Oo! Nagyoyosi siya, I mean, kaming dalawa. Hindi ko naman kasi alam na matututo siyang magyosi nang dahil lang sa nakita niya akong nag-yosi minsan. Nagulat nalang ako nanghingi siya saakin nang isang stick. Akala ko biro lang na nagnghiram siya nang lighter pero tinotoo niya.
Naglakad pa ako at napatingin sa gilid ng bar, nangunot ang noo ko dahil ang creepy nang side na yon. Hindi ko lam kung bakit.
Nagsindi nalang muna ako nang isang stick nang sigarilyo habang hinahanap si Zandrea. Smoking area naman dito sa side na ito kaya dito ako nagpunta at nagbabakasakaling nandito siya pero mukhang wala siya dito.
"Fuck you! Bitiwan mo nga ako!"
Muntik ko ng malunok yung usok dahil may narinig akong sumigaw sa gilid ng bar at alam na alam ko kung kaninong boses yun. Hindi ako pwedeng magkamali. Napahawak pa ako sa dibdib ko ng bigla akong kinabahan at nagmadaling pumunta sa gilid ng bar. Napahinto lang ako sa akmang paglapit ng may makita akong nagtutukaan, este, naghahalikan.
At talagang dito pa sa gilid ng bar? Ang cheap naman. Pwede namang sa loob ng kotse. Hehehe Pero teka? Bakit naghahalikan 'tong dalawang 'to? Sa pagkakaalam ko hindi naman sila, ah? Kanina nga lang sila nagkakilala.
"Hoy!" Sigaw ko sa kanila at tinapon yung sigarilyo ko tsaka sila biglang naghiwalay at gulat na gulat na napatingin saakin.
"Hinaharass ako nito eh!" Dinuro pa ni Zandrea si Kyle nang makalapit saakin.
"Hinaharass, best? Nagpaharass ka naman?" Pambabara ko na ikinalaki ng mata niya tsaka ako tumingin kay Kyle na nagpipigil ng tawa.
"At ikaw!" Turo ko kay Kyle kaya napatigil siya sa pagtawa at tumingin saakin. "Bakit mo hinalikan ang bestfriend ko? Hindi mo ba alam na wala pang first kiss 'to?" Sabi ko pa.
"Gaga, ano ka ba." Sambit ni Zandrea.
"Hindi ko alam eh, hindi kasi niya sinabi." Mapang-asar na sagot ni Kyle.
"Shut up!" Sigaw naman ng katabi ko.
"But now I know." Sagot ni Kyle ng nakangiti.
"Yun na nga eh. At sinamantala mo naman? Hoy! Ikaw lalake! Pananagutan mo ba itong kaibigan ko?" Tanong ko at dinuro pa siya.
Hay nako! Baka takbuhan niya 'no. Mas maganda na yung sigurado.
"Ano ka ba!? Anong pananagutan?" Gulat na tanong ni Zandrea pero hindi ko siya nilingon at nanatili parin akong nakatingin kay Kyle.
King ina nito, bubugbugin ko 'to pag tinanggihan ang bestfriend ko.
"Of course, saakin okey lang eh, sa kanya?" Nakangising tanong niya na inginuso pa si Zandrea.
"Good, buti naman! Bubugbugin sana kita kung sakaling tumanggi ka eh." Paismid na sabi ko at bumaling kay Zandrea. "At ikaw naman, tatanggi ka pa?" Tanong ko.
"Tss. Malamang! Ano ka ba! Ipapamigay mo ko diyan? No way!" Sagot niya tsaka tumalikod.
"Hoy, Kyle! Mag-uusap pa tayo ah!" Sabi ko kay Kyle at tumalikod para habulin si Zandrea.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...