ZANDREA'S POV
Isang buwan ang nakalipas mula magpunta kami sa palawan. Isang buwan na din nang huli kong makita si Kyle. Hindi ko na kasi sila nakita pa nung huling stay namin sa isla.
"Good morning, baby." bati ko kay Stancie na kagigising lang.
Si Stance kasi ay kanina pa nagising, excited yata pumasok.
FIRST DAY OF SCHOOL NILA....
At ngayon palang kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba sila sa school o hindi, at ang masakpal pa baka mag-aayang umuwi.
"Good morning, Mommy." sambit niya at humalik saakin.
Inalalayan ko siyang bumaba sa kama niya. Hiwalay na sila ng kwarto ni Stance at hindi na din sila nakikitabi saakin matulog kahit anong pilit ko.
"Mommy, i'm excited." sambit pa niya ng makapasok kami sa cr ng kwarto niya.
Hindi na kami sa bahay nila Zach nakatira. Bumili ako ng bahay sa isang subdivision ng makapag-ipon. Unti-unti kong pinuno ng mga gamit ang bahay bago kami lumipat. Siyempre kasama ko si Zach sa pamimili at hindi ako pumayag na gumastos siya sa bahay ko. Kahit na ilang beses siyang magpumilit at ang ginawa niya ay bumili ng mga gamit ng kambal. Hindi niya ipinapaalam saakin iyon kaya hindi ko siya mapigilan at hindi ako makatanggi.
"Where's Papa?" tanong na niya kaagad kay Zach.
"Nasa work na yon----"
"Good Morning, sweetie!" natigil ako sa pagsasalita ng marinig ko ang boses ni Zach.
"PAPA!" tumakbo ang anak ko at yumakap dito. "Mommy, told me na you go to work na po." sambit pa nito ng buhatin siya ni Zach.
"Pwede ba naman iyon? Siyempre first day niyo papasok, hindi pwedeng wala ako." sagot naman nito.
Tumayo ako at inayos ang pampaligo ni Stancie. Gusto ko sanang sa shower nalang siya maligo kaso magpupumilit nanaman iyon na sa bath tub siya kaya yun ang inasikaso ko.
"Hahatid mo kami po sa school?" tanong pa niya.
Tumango naman si Zach. "Kahit araw-araw pa." sagot nito.
"Come here na baby, ready na yung panligo mo. Baka ma-late ka." anyaya ko at ibinaba naman siya ni Zach.
"Paliguan mo na muna. Bababa lang ako, titignan ko si Stance." sambit ni Zach at tumango ako.
Binuhat ko si Stancie papunta sa tub. "Mommy, how it feels po sa school?" tanong niya habang naglalaro ng bubbles.
Nag-isip ako ng sasabihin. "Masaya, baby, lalo na kapag kasundo mo mga classmates mo." sagot ko at nilagyan siya sa shampoo.
"What if they will bully me?" nakita ko sa mata niya ang lungkot ng tignan ako.
Umiling ako. "No, baby, hindi nila gagawin iyon." sambit ko, iyon din ang ikinakakaba ko, ang ma-bully sila gaya ko.
FLASHBACK...
"Woi, pangit! Bawal ka dito." sigaw ng batang babae at itinulak ako.
Nasa isang park kami at naglalaro. May lumapit saakin na batang babae.
"Tigilan niyo nga siya." pag-awat nito pero hindi sila nakinig.
Inilagay pa nila ang mga daliri sa tapat ng tainga at dumila saakin.
"Nye, nye, nye. Pangit, pangit." sambit pa nung nagtulak saakin.
"Stop it!" sigaw nanaman nung batang babae.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...