Zandrea's POV
Papasok palang ako sa subdivision namin ay kinakabahan na ako. Lagot talaga nito! Pagkapark ko ng kotse ko hindi muna ako agad bumaba. Kinalma ko muna ang sarili ko sa sobrang kaba bago tuluyang bumaba. Bukas pa ang ilaw sa sala at alam kong hinihintay ako ni Tita kaya nagpasya na din akong pumasok dahil wala din namang mangyayari kung mag-stay ako ng matagal dito sa labas.
"What time is it, Zaneta Dreanna?" Napatalon ako sa lakas ng pagkakasigaw ni Tita.
Kulang na nga lang magbuga siya nang apoy sa lakas nang sigaw niya eh.
"Ah, 10:51 po, Tita." Nagtatakang sagot ko.
Bakit ba nagtatanong 'to ng oras? Tss! Ang laki kaya ng wall clock namin eh.
"At may gana ka pang magbiro nyan?" Salubong ang kilay na sagot niya saakin.
"Ha? Tita, nagtatanong po kasi kayo ng oras eh." Sagot ko at kinakabahan lalo ako.
Nakita kong sumama lalo ang mukha niya dahil sa isinagot ko. Tama naman ako diba? Anong mali doon eh sinagot ko lang naman yung tanong niya.
"Anong oras ang usapan natin na uwi mo?" Napalunok ako sa tanong niya.
"Before 10 pm po, Tita." Sagot ko at napayuko.
Yun pala yung ibig niyang sabihin. Tss! Boba ka Zaneta Dreanna Monte Villa. Commonsense lang eh. Huhu
"Bakit late ka umuwi?" Tanong pa niya at nakita ko naman si Manang na lumabas mula sa kusina.
"Traffic po Tita." Palusot ko.
"Traffic? Anong oras na Zaneta Dreanna, may traffic pa din?" Naiinis ng tanong niya.
"Sa Rosales pa po kasi kami nagpunta, Tita." Sagot ko.
"Rosales? My God, Zaneta. May kalayuan yun dito, ano ka ba!" Sigaw niya.
"Sorry po." Paghingi ko ng paumanhin.
"Tumawag ang Mommy mo." Sambit niya at napatingin naman ako sakanya.
Tumingin na muna siya kay Manang at tumingin saakin bago nagsalita. "Your grounded and that's final. No buts, Zaneta Dreanna. Go to your room." Maawtoridad na sabi niya at lalo naman akong nanlumo.
Nung paakyat na ako ng hagdan bigla siyang nagsalita ulit. "Dalhin mo sa office lahat ng gadgets mo." Dagdag niya.
Nanlaki ang mata ko na napatingin sa kanya. "What? But tita..." Nagpapaawang sambit ko.
"Yun ang sabi ng Mommy mo." Sagot niya.
"Tita.." Sabi ko at tumingin naman siya sakin. "Paano po kapag nagkaemergency sa school?" Tanong ko.
Nag-isip talaga ako nang pwedeng mairason sa kanya para hindi niya kuhanin ang mga gamit ko.
"Ah.. Nakalimutan ko nga pala," naghintay ako nang iba pa niyang sasabihin. "Hatid-sundo ka ng driver simula bukas." Sagot niya at biglang nawala yung saya ko.
"Opo." Sagot ko nalang.
Bigla akong nanlumo sa narinig ko. Bakit naman ganon. Nagshower ako at nagbihis bago pumunta sa office dito sa bahay. Tsaka in-off lahat ng gadgets ko at dinala sa office sa bahay. Sanay naman na ako sa ganoon dahil simula bata naman ay nagiging punishment ko na ang ganoon pero hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan pa kuhanin ang mga gamit ko. Kung sabagay wala pa naman ako sa tamang edad para magreklamo dahil sa pamilya ko pa din naman ako umaasa ngayon. Natulog nalang ako at hindi na inisip pa iyon dahil alam ko namang lilipas din.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...