Kyle's POV
Nagising ako sa alarm nang cellphone ko. Bahagya akong napahawak sa sintido ko nang kumirot iyon. Puro hard drinks ba naman ang inorder ni Rai kagabi. Hindi man ako nalasing dahil mataas naman ang alcohol tolerance ko pero hindi pa din ako makakaligtas sa sakit nang ulo. Bumangon ako at nanguha nang gamot, ininom ko iyon bago nagpasyang maligo at gumayak. Alas-dyes pa naman ang pasok ko at alas-singko palang nang umaga. Malayo ang bahay namin sa school dahil hindi ako nakauwi sa condo ko kagabi dahil naiwan ko ang susi dito sa bahay at ang ilang gamit ko.
Bumaba na ako pagkatapos kong magbihis para makakain na at magto-toothbrush pa ako ulit pagkatapos.
"Good morning, Manang." Sabi ko pagkababa ko ng hagdan.
"Good morning, hijo." Sagot naman niya.
"Mukhang maganda ang gising natin ah?" Nakangiting tanong saakin ni Manang.
"Opo, Manang." Nakangiting sagot ko.
"Inlove ka yata eh, dinig ko sa mommy mo kanina." Pinakatitigan niya ako habang nag-hahain nang pagkain sa mesa. "Kailan ba namin makikilala?" Tanong pa niya.
"Soon, Manang." Sagot ko.
"Ano yung naririnig ko ha? Totoo ba yun, anak?" Napalingon ako sa may bukana ng pinto ng kusina at nakita si Daddy na nakangiti.
"Yang binata mo, inlove na." Sabi ni Manang at napatingin naman saakin si Daddy.
"Totoo ba yun, anak?" Tanong ni Daddy.
"Opo, Daddy." Napapakamot sa ulong sagot ko.
"Kailan mo ba balak ipakilala saakin?" Pang-uusisa ni Daddy.
"Soon, Dad." Tanging sagot ko.
"Anong pinag-uusapan ng mag-ama ko?" Singit ni Mommy na kapapasok lang sa kusina.
"Yang anak mo, Mommy, binata na talaga, inlove na daw eh." Sagot ni Daddy.
"Oo nga, Dad. Inlove na yang binata natin." Panggagatong ni Mommy.
"Alam mo?" Gulat na tanong ni Daddy sa kanya at inalalayan pa itong maupo.
"Yes, kagabi lang. Tulog ka na kasi eh. Schoolmate niya. Zandrea nga daw ang pangalan." Dagdag pa ni Mommy.
"Ang gandang pangalan. Magandang bata din, ano?" Tanong ni Manang.
"Oo naman po, Manang." Sagot ko.
"Magsikain na kayo." Utos pa niya na iminuwestra yung mesa.
"Sabay na po kayo saamin, Manang." Anyaya ni Daddy.
"Oo nga naman po, Manang." Taas-baba pa yung kilay ko ng sabihin ko iyon.
"Halika na po, kain na, Manang." Anyaya din ni Mommy kaya wala siyang nagawa kundi sumabay na saamin.
Kumain na kami at nagkwentuhan pa tsaka ako ulit umakyat sa kwarto at kinuha yung gamit ko tsaka ako bumaba at nagpaalam sa kanila na papasok na. Nagda-drive na ako papuntang school ng biglang tumawag si Lander.
"Oh, pre?" Sabi ko pagkasagot ko ng cellphone.
"Nasaan ka na?"
"On the way." Sagot ko.
"Sige, may announcement daw mamaya eh."
"Sino may sabe?" Tanong ko.
"Mga estudyante din. Dinig kong usap-usapan." Tatawa-tawang sagot niya.
"Kailan ka pa naging chismoso?" Pang-aasar ko.
"Tss! May tainga ako, Lim. Syempre narinig ko." Sagot niya.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...