SAMANTHAS POV
Nakaupo ako sa mesa at nakabusangot dahil hindi ko pa din matanggap na nagpunta sila kila Lola ng hindi ako isinasama.
Bakit nakabusangot ka nanaman? Uuwi din naman tayo doon pero hindi pa ngayon. sambit ng magaling kong asawa.
Dapat nga noon pa tayo umuwi doon eh. Hindi ka man lang nagsabi kila Lola ah, tapos ngayon ibinabahay mo ko? Gago ka din eh. reklamo ko.
Hey, watch your words. Naririnig yan ng anak ko. panenermon niya.
Anak ko din naman to ah. Tsaka lumayo ka nga. naiirita ako sa pagmumukha mo. Ang pangit-pangit mo. ungot ko.
Nanlaki naman ang mga mata niya. Anong pangit? Ang ganda ng lahi namin ah. Walang pangit sa angkan namin. depensa din niya.
Meron. asar kong sagot.
Nangunot ang noo niya. Sino naman? Bakit nakita mo na ba buong angkan ko? nakasimangot niyang tanong.
Sinamaan ko siya ng tingin. Ikaw. maikling sagot ko. Tsaka paano ko sila makikilala eh hindi mo nga ako maipakilala sakanila. pambabara ko at kaagad na nawala ang pagkakasimangot niya.
Sabi ko naman sayo na sa reunion na kita ipapakilala atleast doon kumpleto ang buong angkan namin. Malumanay ng pakiusap niya. Tsaka naipakilala na kita sa iba ah. dagdag niya.
Mas okay pa din yung sa lahat. Hihintayin mo pa talaga ang reunion ninyo? reklamo ko pa din.
Sige, sambit niya at pinakatitigan ko siya. Tara ng US kung ganon. dagdag niya kaya napasimangot ako.
Aayain mo ako eh hindi nga ako pwedeng bumiyahe. asar kong sagot.
Yun nga yung pinupunto ko. Hindi kita maipakilala dahil bawal ka bumiyahe. malumanay pa ding sagot niya.
Inirapan ko siya. Ang sabihin mo, ayaw mo lang akong ipakilala. ungot ko nanaman.
Nakita ko ang pagtitimpi sa mukha niya at ipinagpatuloy ang pagkain na siyang lalong ikinainis ko.
Pabalang kong binitawan ang kutsara. Buti pa nga yung ex mo, naipakilala mo nung nililigawan mo palang. Eh ako buntis nat lahat hindi pa din? Kung sabagay, mahal mo pa eh diba? Nabuntis mo lang naman kasi ako. sagot ko at tumayo tsaka deretsong naglakad paakyat.
Hindi ko alam kung bakit mas lumala yata ang ugali ko ngayon. Hindi naman ako ganito noon at lalong hindi na ako naglilihi, kung naglilihi sana ako ay maiintindihan ko din sana ang ugali ko pero hindi. Sarili ko na mismo ay hindi ko na din maintindihan.
Nahiga ako sa kama ng guest room dahil ayoko sa kwarto namin. Naiinis pa din ako kay Viniel lalo na at naalala ko nanaman yung ex niya. Mahal pa niya yun kaya hindi ko maiwasang hindi banggitin at magselos. Sa totoo lang ay hindi naman dapat kami magdedesisyong magsama lalo na at nalaman ko sakanya nung gabing may nangyari saamin na mahal pa niya yung ex niya.
Sabi nga ng iba, kapag lasing nasasabi niya ang totoo at hindi magsisinungaling.
Sobra lang akong nalasing nung gabing iyon kaya nangyari ang hindi dapat nangyari. Pero hindi ko naman iyon pinagsisisihan dahil blessing naman ang dumating saakin.
Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto kaya hindi ako kumilos at nagkunwaring natutulog. Alam ko naman kung sino iyon dahil dadalawa naman kami dito sa bahay niya. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama pero hindi pa din ako kumilos.
Hon, tawag niya pero hindi ko siya pinansin. Napakislot lang ako ng halikan niya ako sa leeg. I know your awake. sambit niya. Kumain ka na muna. utos pa niya.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...