KYLE’S POV
Kadarating ko lang ng bahay at naabutan ko pa si Mommy na nasa sala, napatingin pa ako sa wrist watch ko at nakita kong past 12 am na.
Bakit kaya gising pa si Mommy? Ang alam ko nagdate din sila ni Daddy kanina, eh.
“Hi, mom.” Bati ko at humalik sa pisngi niya. “For you.” Iniabot ko sakanya yung isang bouquet ng tulips at isang pahabang kahon. Binili ko iyon kanina bago ako pumunta kila Zandrea.
“Thank you, baby.” Malambing na sabi niya.
“Bakit gising pa kayo?” Pang-uusisa ko. “Hindi kayo pwedeng mapuyat, Mom.” Paalala ko at inalalayan siyang maupo sa sofa.
“Hinihintay ko kayo ng Ate mo.” Nakangusong sagot niya. Hays! Ang mommy ko talaga. Nagpapacute pa. Hehe
“Hindi pa ba umuuwi si Ate? Akala ko ba nagleave siya ngayon dahil wala naman siyang ka-date.” Nagtataka kong tanong.
“May biglaang emergency kasi kanina, baby, pero ang sabi naman niya ay uuwi siya kaya nga hinihintay ko siya ngayon.” Malungkot na sagot niya.
Napabuntong-hininga ako at inakbayan siya. “Nagsabi naman pala siya na uuwi siya, eh, kaya huwag niyo ng isipin yun dahil uuwi naman iyon mamaya.” Pagpapalubag-loob ko. “Kamusta pala ang date niyo ni Daddy?” Nakangiting pag-iiba ko ng usapan.
“Okay naman, baby, hindi pa din nagbabago ang Daddy niyo, sweet pa din.” Bakas sa mukha niya ang saya at kilig.
“Sorry, Mom.. Hindi kayo ang ka-date ko ngayon.” Paghingi ko ng paumanhin at hinalikan siya ulit sa sintido.
“Its okay, baby, babawi ka naman sabi mo diba?” Nakangiti pang paninigurado niya at tumango naman ako. “Kamusta pala ang date niyo? Saan kayo nag-date?” Pang-uusisa pa niya.
Ngumiti ako ng maalala ko kung gaano kasaya kanina si Zandrea habang nasa amusement park kami. “Okay naman, Mom, masaya.. Lalo na kung nakikita mong masaya yung nililigawan mo.” Nakangiti kong sagot.
“Halata nga, baby.. Kahit na hindi ako ang ka-date mo ngayon, masaya pa din ako kasi nakikita kitang masaya.” Nakangiting sabi niya. “Saan nga kayo nagdate?” Pag-uulit niya at natawa naman ako dahil halata sa boses niya ang excitement.
“Sa amusement park, Mom.” Nakangisi kong sagot at ikinuwento ko sakanya kung gaano kaming nag-enjoy doon at siyempre hindi ko ikinuwento sa kanya yung ginawa ko kanina sa food park dahil panigurado na mag-uusisa siya kung bakit ngayon ko lang tinanong si Zandrea kung pwede ko ba siyang ligawan at alam kong sesermunan niya ako.
Nakarinig kami ng yapak ng sapatos at alam na alam ko kung kanina iyon. Sa taas ba naman ng heels niya ay paniguradong maingay talaga iyon. Tss..
“Bakit gising pa kayo, Mom?” Gulat na tanong niya nung makita niya kami sa sala at lumapit pa saamin para humalik sa pisngi ni Mommy.
“Hinihintay ka.” Ako na ang sumagot at pinasadaan siya ng tingin.
“Anong oras na kaya. Dapat hindi niyo nalang ako hinintay, Mom.” Nakokonsiyensiyang sabi niya.
“Sa hospital ka ba talaga galing?” Seryosong tanong ko sakanya.
Nagtataka siyang tumingin saakin at tinignan ang sarili niya. “Oo naman. Saan pa ba ako pupunta?” Taas-kilay na tanong niya.
“Sa hospital ka galing pero ang taas-taas ng heels mo? Buti nakayanan mong takbuhin ang ER kanina?” Paismid kong tanong sakanya.
“Tss.. Ito na yung suot ko kanina, eh, kaya hindi na ako nagpalit.” Nakasimangot na sagot niya. “Teka nga, bakit ba naninita ka? Makapagsalita ka akala mo ikaw ang mas matanda saatin, ah.” Reklamo pa niya.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...