Rai's POV
Kinabukasan, maaga palang ay gising na si Kyle dahil paglabas namin sa kusina ay nakahanda na ang almusal namin. Matapos nga naming kumain ay nagpaalam siya na may kukunin lang saglit at babalik din kaagad kaya nagpasya kaming maligo nalang muna kaninang umalis siya.
"Saan ba kasi tayo pupunta? Inaantok pa ako." Dinig kong ungot ni Sam dahil nasa gawing kaliwa namin sila.
"Ewan ko ba kay Kyle." Dinig ko namang sagot ni Viniel.
Nakarating kami sa bahay at maaga kaming umalis sa tree house dahil may pupuntahan nga daw kami.
Lumapit saamin si Kyle. "Kotse nalang gamitin natin para hindi magreklamo si Sam dahil ang balak ko sana ay kabayo nalang din gamitin." Sabi niya na sinang-ayunan namin.
Nanguha lang kami ng mga kakailangin namin tulad ng pamalit, towels, tubig at yung mga gadgets namin.
Ano nanaman kayang kalokohan ang naisip nitong si Kyle?
"Magsu-swimming ba tayo at kailangang may dala tayong towels?" Bulong ni Lander
"Gago! Face towel ang pinadala hindi panligo!" Natatawa ko pa siyang binatukan dahil hawak-hawak talaga niya yung malaking towel.
Napakamot naman siya sa ulo. "Face towel ba? Akala ko ito eh." Sagot niya at narinig naman iyon ng mga kasama namin kaya tinawanan din siya.
"Kahit kailan talaga bingi ka." Pang-aasar pa ni Viniel.
Inihagis ni Lander sakanya yung towel at tatawa-tawa namang sinalo niya iyon.
"Ready na ba lahat?" Tanong ni Kyle pagkalabas namin.
Nagsilingunan kami para tignan at tumango ng makitang okay na lahat. Ngumiti pa muna siya at pinagbuksan si Zandrea ng pinto.
"Dadaan ba tayo ulit don sa dinaanan natin nung isang gabi?" Tanong ni Venice bago makasakay si Kyle sa driver's seat.
"Hindi na." Maikling sagot niya.
"Sige. Salamat." Sagot ni Venice at sumakay na din sa sasakyan ni Alex.
Lahat kami ay nagsisakay na din at sinundan ko yung sasakyan ni Kyle.
"Saan kaya tayo pupunta?" Tanong ni Yexa na nasa tabi ko.
Hinawakan ko yung kamay niya. "Hindi ko din alam eh." Sagot ko.
Napansin ko ang paglingon niya saakin. "Hindi kaya tayo ipa-salvage niyan si Kyle?" Nag-aalalang tanong niya.
Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi ah. Bakit ba ganyan ka mag-isip?" Natatawa ko talagang sagot.
"Tss. Nagtatanong lang naman ako." Sagot niya.
Hindi na ako sumagot dahil medyo bumibilis na din ang takbo ni Kyle. Ang gago talaga hindi mapigil sa mabilis na pagmamaneho kahit na matarik yung tinatahak naming daan. Isang oras din yata kaming bumiyahe hanggang sa makarating kami sa isang bundok. Bumaba kami at inalalayan ko naman si Yexa at lumapit kami kila Kyle.
"Hiking pala ang gusto mo. Hindi mo man lang kami sinabihan para aware sila Viniel at Sam." Napapailing na ungot ko.
"Oo nga naman. Baka hindi kayanin ni Sam." Singit din ni Viniel.
Nakatikim naman siya ng batok mula kay Sam. "Anong hindi kaya? Yakang-yaka ko yan no." Mataray niyang sagot.
Hindi na siya kinontra ni Viniel dahil ayaw niya siguro ng away.
"Sino ba nagsabi sainyo na aakyatin natin yan?" Nakangising sagot ni Kyle.
"Don't tell me, maghehelicopter tayo?" Pambabara ni Sam.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...