Zandrea's POV
Maaga akong nagising at hindi ko alam kung dahil ba sa pagtulog ko ng maaga kagabi o dahil sa excited ako sa graduation ball mamaya. Bumangon ako at kaagad na nagpunta sa banyo para gawin ang morning ritual ko. Bumaba ako kaagad at nagtungo sa kusina para kumain.
"Good morning, ganda." bati saakin ni Ate Mara.
"Good morning din po." nakangiting bati ko.
Ipinaghain niya ako ng almusal. "Mukhang maganda ang gising mo ah." may mapang-asar pa siyang ngiti ng sabihin iyon.
"Maaga po kasi ako natulog kagabi, Ate Mara." sagot ko.
Akma siyang sasagot ng magsalita si Kuya Bogart na nasa pinto palabas ng kusina.
"Zandrea, may package ka." nagtaka ako sa sinabi niya.
"Sige po, Kuya Bogart, pa-claim nalang po. Salamat." sambit ko dahil kumakain ako.
Umalis naman siya at doon ako nagmadaling kumain para matignan ko iyon. Bumalik si Kuya Bogart ng walang dala kahit na ano.
Napakamot pa siya sa batok. "Eh ikaw lang daw po ang pwedeng mag-claim eh." nahihiya pang sambit niya.
Uminom ako ng tubig at tumayo para lumabas. "Sige po, ako na po ang mag-claim. Salamat po." sambit ko at lumabas ng bahay.
Nakita ko doon si Kuyang nagdedeliver na may hawak na bouquet ng blue rose. At isang paper bag. Pinirmahan ko yung pinapapirmahan niya at dumeretso sa kwarto ko pagkakuha ko nung delivery para saakin. Inamoy ko yung bulaklak ko napangiti ng maamoy ang bango niyon. May card na kasama kaso initials lang ni Kyle ang nandoon at alam kong galing sakanya iyon. Sunod kong binuksan yung paper bag at nagsalubong ang kilay ko ng makitang jewelry box ang laman niyon. Binuksan ko iyon at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang laman niyon. Iyon yung isang set ng jewelry na gusto kong bilhin nung nakaraan sa mall kaso wala akong dalang cash at naiwan ko yung card ko sa bahay at saktong pera lang ang dala ko kung saan alam kong magkakasya iyon para sa panggastos ko nung araw na iyon. Binalikan ko naman kinabukasan pero nabili na daw sabi nung staff. Sobra pa naman yung panghihinayang ko noong araw na iyon dahil hindi ko kasi binili nung makita ko.
Nakita kaya niya na tinitignan ko ito nung araw na iyon kaya binili niya? Pero kung tutuusin naman ay hindi niya ako kailangang ibili nito eh.
Pagkasarang-pagkasara ko ng box ay saktong nagring yung phone ko at nakita kong nakaregister doon ang pangalan ni Kyle kaya sinagot ko yung tawag niya.
"Hi." bati niya at bakas sa boses niya ang saya.
"Thanks for the flowers and jewelry." pagpapasalamat ko kaagad. "I didn't expect it!" dagdag ko.
Narinig ko yung mahinang tawa niya. "Anything for you, my love." ewan ko pero kinilig ako sa tawag niya saakin.
"Alam mo bang iyon yung balak kong bilhin sa mall. Tapos ikaw pala ang nakabili." kwento ko sakanya.
"Really? It looks like destiny na ang naglalapit saatin. Hahaha hindi ko alam kung anong nagtulak saakin para pumasok sa shop na iyon nung araw na binili ko yan. Siguro dahil na-recognize ng puso ko na pumasok yung kalahati niya doon kaya doon ako dinala." dinig ko pa ang mahina niyang tawa mula sa kabilang linya.
"Tse! Puro ka kalokohan! Pero bakit hindi kita nakita?" tanong ko.
"Aw! Sana sinabi mong gusto mo akong makita para sinamahan kita sa mall." pang-asar pa niya.
"Tss. Ewan ko sayo!" ungot ko.
"Mas okay na yon kesa naman makita mong bilhin ko yan edi hindi na surprise. Tsaka alam ko namang hindi ka papayag na bilhin ko yan sayo." seryoso ng sagot niya.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...