AUGUST 29, 2020, nang isulat ko ang Epilogue. Sa laptop ko pa yan unang isinulat para may back-up ako. Hindi ko akalain na matatapos ko ang story na 'to kahit busy ako sa studies before at ngayon ay sa work.
I hope na basahin pa din ninyo ang ibang stories ko kahit tapos na itong first story na isinulat ko.
I know that there are some grammatical errors, but please bear with me. Ie-edit ko naman ang mga iyon, SOON.
Next chapter will be the EPILOGUE..Maybe one of this days, ipo-post ko na iyon para maumpisahan na din yung isa pang story ko. May special chapter/s din po ito dahil almost 9k words ang EPILOGUE..ANG HABA! KASING HABA NG 'ANO' NI KYLE. CHAROOOOT! HAHAHAHA
DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE SOME COMMENTS, GUYS!
Zandrea's POV
"Miss Zandrea, ipinapatawag po kayo ng Lolo ninyo sa opisina niya sa taas." natigilan ako sa akmang pagpanhik ng magsalita ang helper namin.
Nandito si Lolo? Bakit hindi ko alam?
Nagpaalam ako kay Kyle na may kukunin dito sa bahay kaya ako nandito. Ilang araw na akong sa bahay ni Kyle umuuwi. Wala sila Mommy dito dahil may trabaho sila sa ibang bansa.
"Sige po." sagot ko.
Pumanhik ako sa taas at huminto sa harap ng pinto ng office ni Lolo sa taas. Bumuntong-hininga pa ako bago kumatok.
Umilaw ang gilid niyon hudyat na inalis niya sa pagkaka-locked ang pinto. Pinihit ko ang seradura niyon at pumasok. Taas-noo ko siyang tinignan habang palapit sa mesa niya.
"Sitdown." maawtoridad pang utos niya pero nanatili akong nakatayo.
Tumawa siya na parang nainsulto. "Yan na ba ang ugaling natutunan mo sa pamilya ng lalaking iyon?"
Agad na niragasa ng galit ang dibdib ko. How dare he tell those words to Kyle's family? Wala siyang karapatan. Hindi nga niya lubos na kilala ang pamilya ni Kyle.
"How dare you say that to his family?" ipinakita ko ang galit ko sa kanya.
Sa pangalawang pagkakataon ay tumawa siya. Sumandal siya sa swivel chair niya.
"Gusto mo bang malaman kung bakit kita pinapalayo sa kanya?" kinabahan ako sa sinabi niya.
Ako naman ang tumawa ngayon, nang-aasar. "Why are you telling me those words now? Bakit hindi mo noon sinabi kung ganon?" parang nawala na ang respeto ko sa kanya.
Sumama ang mukha niya at nagsalubong ang mga kilay. "Don't you dare used that tone to me, Zaneta!" dinuro niya ako.
Napailing ako at sarkastikong tumawa ng mahina. "After what you've done? Do you want me to respect you?" doon siya lalong nagalit.
Napatayo siya at dinuro ako. "How dare you?! After what i've done to you?" ramdam ko ang galit sa boses niya.
"Just tell me the reason why you have to do that?" naiirita na ako ngayon palang.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...