AN: Hindi na-published kagabi dahil nagloloko ang watty ko. Dalawa ang update today, yung isa mamaya, around 5pm 😊
The next chapter/s will be R-18 kaya need ko i-finalize. Hahaha
ENJOY READING GUYS! DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE SOME COMMENTS!
"You've gotta dance like there's nobody watching,
Love like you'll never be hurt,
Sing like there's nobody listening,
And live like it's heaven on earth."Zandrea's POV
Ginabi kami ng uwi kahapon kaya ngayong umaga namin napagpasyahan na pumunta sa bahay ng magulang ni Kyle. Sobra ang kaba ko dahil paniguradong nandoon din si Sam. Naghahanda ako ng mga damit ng kambal para may bihisan sila.
"Pwede tayong hindi tumuloy kung hindi ka pa ready." tinabihan ako ni Kyle at hinawakan ang mga kamay ko.
Tinitigan ko siya. Bakit naman kasi parang ang bilis? Wala pang isang linggo ng malaman niyang anak niya ang kambal tapos ngayon, eto, pupunta kami sa bahay ng magulang niya.
"It's okay.." napabuntong-hininga ako. "Natatakot lang ako," dagdag ko at yumuko. "baka ayaw na nila saakin-" he cut me off.
"What made you think that?" he asked.
"Dahil sa ginawa ko sayo. Naisip ko lang na baka galit sila." hinawakan niya ang pisngi ko at pilit na pinagsalubong ang tingin namin.
"Hindi sila galit, okay?" pagpapalubag-loob niya.
"How sure you are?"
Ngumiti siya. "They always asked me about you. Kung nakita na ba kita, kung nagkausap na ba tayo, something like that." tumango-tango pa siya.
"Alam mong sa una palang gusto ka na nila. Kaya nga ginawa ko ang lahat mapasaakin ka lang diba?" hindi ko inasahan na hahalikan niya ako sa noo.
"I love you." Napangiti ako sa sinabi niya.
"Hindi ka ba galit?" naglakas-loob akong magtanong, baka kasi galit siya at hindi lang ipinapakita saakin.
Mas okay ng ipakita at iparamdam niya kesa nagpapanggap lang siya. Mas masakit iyon.
Ngimi siyang ngumiti. "At first, yes i'm mad. Sino ba namang hindi diba? Pero naisip ko, kahit magalit ako sayo, hindi pa din maipagkakailang ikaw pa din ang mahal ko, ikaw ang nanay ng mga anak ko, so bakit ko pa patatagalin ang galit ko, hmm?" pagkasabi niyon ay dinampian niya ng halik ang labi ko.
"Eh bakit may Angelica?" nawala ang ngiti niya ng banggitin ko yung babae niya.
"She's just a fling." pag-amin niya.
Inirapan ko siya. Naramdaman ko ang braso niyang pumulupot sa bewang ko. "Wala naman akong pakialam sa kanya. Alam naman niya na ikaw pa din ang mahal ko. Then I left her after you saw us in the beach." pagpapaliwanag niya.
"Kahit na, nakipag-sex ka pa din."
"Lasing ako." naramdaman ko ang pagdampi niya ng halik sa balikat ko, nakikiliti ako.
"K-kyle." utal kong sambit ng bahagya niyang padausdusin ang dila sa leeg ko hanggang sa balikat. "Stop it." pagpigil ko at bahagya siyang tinulak pero hindi siya nagpadala sa pagtulak ko.
"Hmm?" sambit niya na hindi pa din tumigil sa paghalik sa leeg at balikat ko.
"K-kyle, stop it." pagsuway ko pero ang hudyo inihiga ako sa kama.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...