Zandrea's POV
Nagpasya kami ni Zach na huwag nalang munang mamasayal sa araw na iyon. Nasa maliit na terrace ako habang nakatanaw sa lugar kung saan ko nakita si Kyle. Natatanaw kasi yon mula dito at kitang-kita ko ang mangilan-ngilang naglalakad doon. Hindi ko sila mamukhaan dahil may kalayuan iyon mula dito.
"What do you want for dinner?" tanong ni Zach.
Nilingon ko ang orasan. Past 5pm na pala at hindi ko man lang namalayaan ang oras.
"Anything." Maikling sagot ko at tinanaw ulit ang private resort. Muli kong nilingon si Zach na nanatiling nakatingin saakin. "Ask my daughter if you want." Natawa ako sa sinabi ko at siya din pagtawa niya ng maalala ang gusto ng anak ko kagabi.
"Magtitingin na din ako ng manok na buhay diyan sa baba." Napapailing na sambit niya.
"I want chicken po," maya-maya ay sambit nanaman ng anak ko na kay Kyle nakatingin. "the real one." Dagdag nito na ngumuso pa. Nagpapacute para makuha ang gusto.
Naupo si Zach para magpantay sila ng anak ko. Ngumiti pa ito. "I will buy you chicken." Natawa pa siya.
Nanlaki ang mga mata ng anak ko at niyakap ito, alam na alam kung paano utuin si Zach. "Thank you po. I want the blue one, yellow, green." Tuwang-tuwa pa ito.
Nangunot ang noo ni Zach. "How about the pink one?" tanong nito na binuhat na si Stancie.
Umiling-iling ito. "I don't want po ng pink. Mommy told me it's to girly. But I love pink." Iningusan pa ko nito.
Tss. Magkaroon ka ba naman ng anak na mas maldita pa sayo.
Pumasok sila sa loob habang nag-uusap at nanatili naman ako sa labas. Muli akong tumanaw sa private resort at bilang dumagundong ang kaba saakin ng matanaw ko ang isang lalaki na nakaharap sa gawi ko. Feeling ko ay nakatingin siya saakin dahil hindi ito kumikilos at nanatiling nakaharap kung nasaan ang tinutuluyan naming hotel. Lumingon pa ako sa kaliwa't-kanan dahil baka doon siya nakalingon pero walang ibang mataas na hotel dito maliban sa tinuluyan namin. Halos tatlong palapag lang yung ibang hotel at may mga puno pa sa taas. May nag-iisang hotel lang na mas mataas kesa sa hotel na tinuluyan namin at yun ay nasa bandang harap ng tinuluyan namin, imposibleng doon siya nakatingin dahil nakaharap ang hotel sa hotel kung nasaan kami. Pasimple pa akong tumingin sa ibabang bahagi ng hotel pero wala din akong nakita doon, maliban nalang kung hindi iyon tanaw ng mata ko.
Muli kong nilingon ang lalaki ngunit wala na ito sa kinatatayuan niya kanina. Natanaw koi tong naglalakad patungo sa kumpulan ng tao. Medyo nagulat pa ako ng hawakan ako ni Zach sa balikan.
"Hey," nagtatakang sambit nito.
"Ginulat mo ko." Agap ko sa akmang pagsasalita niya.
Natawa siya. "Sorry, kanina pa kasi kita tinatawag pero parang wala kang naririnig." May pag-aalala na sa boses nito. "Is it because of what happened last night?" tanong na nito.
Nag-iwas ako ng tingin at umiling. "No. may iniisip lang kasi ako." Palusot ko.
Hindi naman na siya nagtanong pa naalis ang kaba ko.
"Let's eat." Anyaya nito.Tumango ako at muling nilingon ang lalaki at bumalik ang kaba ko ng makitang nakatingin nanaman ito sa gawi ko. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil habang tumatagal ay lalong lumalala ang kaba ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong makaramdam ng ganoon.
Nagpatiuna na akong maglakad papasok.
"Mommy, look," narinig ko ang excitement sa boses ng anak kong babae. "I have so many chicks."
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...