Kyle's POV
Hindi ko napigilan yung sarili kong halikan siya nung sabihin niyang may isang salita siya. Tinatakot ko lang naman siya pero hindi siya nagpatinag kaya hinalikan ko siya. At ngayong magkalapat ang mga labi namin hindi ko maiwasang hindi isipin yung unang beses na halikan ko siya sa labas ng bar dahil sa kadaldalan niya. Bahagya kong kinagat ang ibabang labi niya at hindi naman siya tumutol sa ginawa ko kaya siniil ko ng halik ang pang-itaas niyang labi at ikinabigla ko ang pagtugon niya sa halik ko. Naramdaman kong hindi na niya pilit na inaalis sa pagkakahawak ko ang kamay niya kaya ipinulupot ko sa batok ko ang mga braso niya at hindi naman siya pumalag.
Natinag lang kami sa sunod-sunod na pagkatok sa pinto at agad naman akong itinulak ni Zandrea. Sabay kaming napatingin sa pinto at hindi ko na ikinagulat kung sino man ang nang-istorbo sa amin. Napabuntong-hininga akong umayos ng tayo dahil hanggang dito ba naman sa bahay nila Zandrea bigla-bigla nalang siyang sumusulpot. May lahi yatang kabute 'tong kaibigan ni Zandrea.
"Oh? Hindi ka pa bihis? Anong oras na ah?" Tanong niya.
"Hindi mo ba nabasa yung text ko?" Sagot naman ni Zandrea.
"Tigil-tigilan mo ko sa kaartehan mo ha? Pumanhik ka na don at magbihis. Dali.." Utos niya sa kaibigan.
"Hindi na nga ako sasama." Sagot ni Zandrea na tumingin pa saakin.
Nginisian ko siya at pairap naman niyang inalis yung tingin saakin. Tumingin ako kay Samantha nung hindi na siya sumagot sa sinabi ni Zandrea at nakita ko ang masasamang tingin niya saakin.
Ano nanaman bang kasalanan ko? Nakita niya kaya yung ginawa kong paghalik kay Zandrea?
"What? Bakit ganyan ka makatingin?"
"Diba sinabihan kita na pilitin siyang sumama sayo?" Nakataas ang kilay na sagot niya saakin.
"Ayaw ngang sumama."
"Edi kung ayaw sumama edi daanin mo sa dahas." She said.
"Dinaan ko na nga sa dahas eh." Pabulong kong sagot.
"Ano? Ano yon? Pakiulit nga." Lumapit pa siya saakin.
"Ang sabi ko, hindi ko naman pwedeng hilain siya o buhatin papuntang kwarto niya para lang magbihis dahil hindi ko gawain yon. Kwarto niya yon hindi ako basta-basta pumapasok sa hindi ko kwarto at lalo na sa kwarto ng babae." Mahabang sagot ko at pinakatitigan naman ako ni Sam.
Pumalakpak siya matapos matulala sa sinabi ko at ngingisi-ngising umupo sa single sofa na nasa gilid ng upuang inuupuan namin ni Zandrea. "Wow ah, ang gentleman mo naman Mr. Lim. Pero minsan kailangan mo din gamitan 'to ng dahas para sumama eh." Turo niya kay Zandrea.
"Tss." Dinig kong ungot ni Zandrea.
"Ano, ganyan ka nalang?" Tanong niya kay Zandrea na pinasadahan pa niya ng tingin. "Mahiya ka naman sa pamilya ni Kyle. Magbihis ka naman ng maayos. Ikaw pa 'tong may pasabi-sabi kanina na magdamit ako ng maayos tapos ikaw 'tong ganiyan manamit? Duh!"
"Bakit ba nandito ka? Hindi ka ba sinundo ni Viniel?" Pag-iiba ni Zandrea sa usapan.
"Oh may gosh! Oo nga pala." Gulat niyang sabi na tumayo pa sa pagkakaupo. "Nakalimutan ko nasa labas nga pala siya. Papapasukin ko na ha?" Sabi niya na lakad-takbo ang ginawa para makalabas.
Tumingin ako kay Zandrea at napatingin naman siya saakin. "Sumama ka na kasi. Gagawin ko yung suhestiyon ng kaibigan mo na daanin ka sa dahas." Tatawa-tawang sabi ko.
Sinimangutan niya ako at pairap na inalis yung tingin saakin at biglang tumayo. "Oo na po kamahalan. Magbibihis lang po ako." Pinakadiinan niya pa ang salitang kamahalan.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...