Chapter 6

436 11 0
                                    

KYLE'S POV

Katatapos lang ng sumunod na klase namin at papunta kami ngayon sa library para gumawa ng research.

First day, research?! Anong nakain ng prof naming yun?

"Tara muna kay Ma'am Facul, ibibigay ko lang itong pinabibigay ni Mommy. Kung bakit kasi ako pa inutusan." Reklamo ni Rai dahil nagpunta kanina sa room ang kapatid niya at dinala yung ibibigay kay Ma'am Facul.

"Pampalakas yan, pre. Malay mo maging prof natin siya." Viniel.

"Sira! Ano ka third year?" Binatukan pa ni Rai si Viniel.

"Third year lang ba ina-underan niya?" Tanong ni Viniel.

"Oo at ang balita ko may a-underan siyang mga tourism. Pwede tayong magtanong sa kanya diba?" Nakangiting sabi ni Rai.

"Oo nga 'no. Sige! Tara!" Anyaya ni Lander.

Palibhasa kasi puro kami single kaya basta-basta nalang kami kung pumayag alamin kung sino ba yung sinasabi nilang transferee sa tourism. Si Rai naman may nililigawan kaso parang walang pag-asa. Himala lang na hindi yata siya gusto nung nililigawan niya.

Si Lander at Viniel naman kasi iniwan nila mga girlfriend nila dahil sobrang nakakasakal daw ang mga iyon pero hindi dito nag-aaral.

Ako kasi wala pang nagugustuhan, kung tutuusin ay madami naman diyan pero yung iba kasi nagkakagusto nang dahil lang sa kilala ako o kami, para lang may maipagmalaki na naging boyfriend nila kami, ganon. Yung ex ko kasi ay ganoon ang ginawa kaya nag-iingat na ako, I mean fling pala. Sino ba naman ang lalaking manliligaw kung hindi naman niya gusto yung babae? At siyempre hindi lang din naman kami sa panlabas na anyo tumitingin, sadya lang sigurong lapitin din kami ng mga magaganda.

Hindi namin inaasahan na makikita namin yung baaeng nasa cafetera kanina. Magkakasama nanaman silang lahat, nangunguna lang yung isang bakla.

"Hoy, pre! Natulala ka diyan." Pang-aasar sakin ni Rai.

"Napansin ko lang kasi na maganda pala siya kapag nakangiti." Sabi ko habang hindi inaalis ang tingin doon sa babae na nakikipagtawanan na sa mga kaibigan dahil sa ginagawang kalokohan nung isang bakla.

"Iba na yan, pre." Sinamaan ko nang tingin si Rai habang ngingisi-ngisi naman siya saakin.

Sabi na mang-aasar 'to, eh. Tss.

"Nagsasabi lang ng totoo." Depensa ko.

"Maganda naman talaga eh. Pwera biro nga, pre." Sang-ayon ni Rai habang tumatango.

"Maghihintay ba kayo dito o papasok din kayo?" Tanong ni Rai na tinataas-baba pa yung kilay.

"Syempre sasama kami, pre." Nagmadaling sumunod si Lander sa loob.

"Atat din 'to eh." Iiling-iling na sabi Rai.

"Tara na nga." Anyaya ko.

"Yan ang atat na atat." Pang-aasar ni Viniel saakin.

Pagpasok namin sa faculty yung dalawang prof lang ang naabutan namin doon at dahil wala pa si Ma'am Facul umupo muna kami sa waiting area ng Faculty Room.

Makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang glass door nang faculty at pumasok doon si Ma'sm Facul.

"Good afternoon, Ma'am." Bati namin sa kanya.

"Good afternoon, boys. Anong kailangan niyo?" Tanong niya habang naglalapag nang gamit sa mesa.

"Pinabibigay po ni Mommy, Ma'am." Sabi ni Rai na iniabot yung paper bag na dala nya.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon