KYLE'S POV
Pababa na kami sa ground floor at katabi ko ngayon si Zandrea. Nasa bungad kami at nasa likod naman namin yung iba. Pwera si Sam at Viniel. Katabi ni Zandrea si Sam sa kanan niya.
Bumukas yung pinto at napatingin ako kay Zandrea dahil hindi siya kumilos kaagad at gulat na nakatingin sa labas ng elevator.
"Zaneta? Samantha?" Dinig kong sabi nung lalaki sa labas at nakita ko naman kung paano nagulat yung dalawa.
"Waaaaah!" Sigaw nilang dalawa at biglang tumakbo don sa lalaki at yumakap.
Sino naman yan? At kailangan pa talagang yakapin? Tss! Easy lang, Kyle. Baka kakilala nila yan..
Lumabas na kami ng elevator at takang tumingin sa kanila. Tss! Umakbay pa kay Zandrea.
"Anong ginagawa mo dito, Zach?" Tanong ni Sam.
"Namiss ko kayo eh." tumatawang sagot nung Zach.
"Ehem!" Biglang singit ni Austin.
Nilingon kami nila Zandrea at noon lang yata na-realize na may kasama sila. Ngumiti siya at huminto sa paglalakad.
"Ah, Zach! By the way, mga friends namin." Sabi ni Zandrea na tumingin saamin.
Friends? Okay, friends, sige.
Nakita ko ang gulat sa mukha nung Zach. "Oh buti naman at may mga kaibigan pala kayo dito. Haha hindi gaya--- Ouch! Sadista pa din kayong magkaibigan. Tss.. Tandaan niyo mas matanda pa din ako ha?!" Sabi nung Zach dahil binatukan at siniko siya nung dalawa.
"What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Austin.
Syempre curious din sila. Sabihin ba naman na buti may kaibigan sila dito. Don ba sa dati nilang school ay wala? Why?
Napatingin nalang ako don sa lalaking tinawag nilang Zach at hinihintay siyang sagutin yung tanong ni Austin.
ZANDREA'S POV
Tss! Napakadaldal talaga nito. Daig pa babae. Hays! Siya lang naman ang nag-iisang lalaking kababata namin si Zachary Lewis Scott. Graduate na yan at ang alam ko busy yan sa residency niya kaya nagtaka kami kung anong nakain niya at nagpunta dito. Siguro namiss niya lang talaga kami. Matagal na din kaming hindi nagkikita nito eh.
"Hindi ba nakwento sa inyo ng dalawang 'to?" Tanong niya kay Austin.
"Tatanungin ba kung nakwento namin?" Pambabara ni Sam.
"Hindi pa din talaga nagbago ugali niyo 'no?" Sita ni Zach.
"Tss.." Ungot ni Sam.
"Balik tayo sa tinatanong nila. Ano nga ba ulit yun?" Tanong niya kay Austin.
"Sabi ko bakit mo sinabi na 'buti may kaibigan na sila dito'." ulit ni Austin.
"May mga kaclose naman sila don pero hindi kaibigan talaga. Iba kasi mga ugali ng karamihan sa estudyante don. May mga mababait naman kaso lamang talaga ang..lamang ang masama ang ugali. Nagmana sa mga prof don." Tumatawa pang kwento ni Zach.
Totoo naman yung sinasabi niya eh. Ewan ko ba kung bakit nagtiis kami doon nang ilang taon.
"Akala ko tuloy sila ang iba ang ugali. Pero joke lang." Tumatawang sabi ni Miko.
"Ah, don tayo. Nakaharang kasi tayo dito." Sabat ko sa kanila.
Totoo naman. Nasa harap mismo kami ng elevator, eh madaming gagamit. Pero wala ni isa ang nagreklamo dahil sa apat na lalaking kasama namin. Idagdag mo pa 'tong si Zach. Nagpunta kami sa mga bench na nandito sa harap ng building namin at don kami tumambay. Tutal vacant naman namin. Pati din yata sila. Ewan! Basta! Hindi ko na natanong eh.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...