Chapter 9

420 5 0
                                    

ZANDREA'S POV

Kauuwi ko lang galing sa school at naabutan ko si Tita na nasa sala at may hawak na papers. Siguro tungkol sa hospital nanaman yan. Family of Doctors kasi kami at si Daddy kasi nag-aral din ng Business Management kaya siya ang pumalit kay Lolo bilang CEO ng kompanya. Gusto ng Lolo ko noon na mag-Doktor ako pero ayoko at sabi naman nila Daddy kung anong gusto ko yun ang kunin ko dahil hindi naman daw nila ako pipiliting mag-Doktor kung ayoko. So, ayun! Nag-Tourism ako. Interior Design nga sana ang gusto ko kaso wala sa pinasukan kong school.

"Ang aga mo naman yata, Zaneta?" Tanong saakin ni Tita nung mapansin niya ako.

"Wala na kasi akong klase, Tita." Derektang sagot ko.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya habang inaayos ang suot na salamin.

"Hindi pa po." Pasimple pa akong tumingin sakanya dahil kinakabahan ako.

"Oh, ano pang ginagawa mo? Kumain ka na, magpahain ka kay Manang don sa kusina." Utos niya.

"Tita?" Tawag- pansin ko.

"Ano yun?" Tanong niya ng hindi tumitingin saakin.

"Ah, eh..." Hindi ko alam kung paano ko sasabihin dahil nagdadalawang-isip ako.

"What?" Tita.

"Pwede po ba ako lumabas, Tita?" Nag-aalinlangang tanong ko at bigla akong kinabahan.

"Kapapasok mo lang, lalabas ka ulit?" Tanong niya na medyo natatawa.

"Tita naman eh. What I mean is, lalabas kaming magbabarkada." Sabi ko na medyo natatawa na din.

"Magbabarkada? Diba isa lang naman ang kaibigan mo?" Nagtatakang tanong pa niya.

Straight forward din 'to si Tita eh. Minaliit ako? Akala niya hindi ako makakahanap ng bagong kaibigan? Tss..

"Madami na po, Tita, hindi nalang po si Sam pero siya po ang bestfriend ko." Nakangiting sagot ko.

"Bakit hindi mo papuntahin dito para makilala ko?" Tanong niya na tumingin pa sakin.

"Pupunta po sila ngayon, Tita, para po ipaalam ako." Sagot ko.

"Buti naman." Sagot niya habang seryoso siya.

"Akyat po muna ako, Tita, magpapalit lang po ako." Paalam ko.

"Sige, pero hindi pa kita pinayagan ha?" Pahabol na sabi niya.

"Opo." Sagot ko nalang.

Pag-akyat ko sa kwarto ay naligo ako at nag-ayos pero pambahay na muna ang isinuot ko. Sabi nga ni Tita hindi pa niya ako pinayagan. Pagkatapos kong mag-ayos tinawagan ko silang anim kasi malapit na mag-6 pm.

"Hello?" Sagot nilang lahat dahil group call ang ginawa ko.

"Nasaan na kayo?" Tanong ko sakanila.

"Paalis na ako." Sagot ni Austin.

"Ako din, magpapaalam nalang." Sagot naman ni Yanah.

"OTW na ako, medyo malayo kasi yang sa inyo, Zandrea." Dinig kong sagot din ni Venice.

"Paalis na din ako, kasakay na nga ako, eh." Miko.

"Palabas palang ako ng bahay." Yexa.

"Eto, as always! Papasok na sa subdivision niyo, best. Hintayin nalang namin kayo mga bakla." Sigaw pa niya.

"Monte Villa Residence." Dinig pa naming sinabi niya sa guard.

"Alam ba niyang pupunta kayo, Ma'am?" Dinig kong tanong ni Kuyang guard.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon