KYLE'S POV
Grabe si Zandrea, hindi namin inakala na masungit iyon. Ang dinig kasi namin ay mabait ito at hindi suplada pero mukhang mali kami nang narinig at si Sam yata ang dine-describe nila.
"Pre, ang sungit ano?" Tumatawang sabi ni Rai.
"Sabi nga ni Sam, wala daw sa mood." Sabat naman ni Lander.
"Oo nga, malay mo mamayang makasalubong natin ay okey na ang mood niya." Viniel.
"Sana nga. Nacu-curious tuloy ako don kay Zandrea." Rai.
Naglalakad na kami papunta sa room para sa susunod na klase. Hindi maalis sa isip ko si Zandrea dahil na-curious ako sa kanya. Para kasing hindi naman talaga ganoon ang personality niya pero iyon ang ipinapakita niya. Nakinig nalang ako sa klase kahit na minsan ay sumasagi sa isip ko ang mukha ni Zandrea. Hanggang sa hindi ko namalayaan na uwian na pala.
Papunta na kami ngayon sa parking lot ng mapansin namin yung grupo nila Zandrea na naglalakad sa unahan namin. Naghaharutan ang ilan sa mga kasama niya pero siya ay parang walang pakialam.
"Ay, teh! Aral nanaman aatupagin? Bar naman tayo." Dinig naming sabi nung isang bakla kay Zandrea.
"Sige. Basta ipaalam niyo ako kay Tita." Zandrea.
"Tita? Wala ba ang parents mo?"
"Wala. Puro business lang naman inaasikaso nang mga iyon." Sagot nito.
"Eh kapatid mo?" Tanong nung isa na kung hindi ako nagkakamali ay si Yexa.
"Only child." Zandrea.
"Pero pwede ka naman lumabas 'teh?" Yanah.
"Pwede naman, basta ipapaalam ako ng mga kasama ko at may oras ng pag-uwi." Zandrea.
Narinig ko ang bulungan nang mga kaibigan ko pero hindi ko nalang sila pinansin. Natuon ang atensiyon ko kay Zandrea na ngumingiti pa habang kinakausap ang mga kaibigan.
Alam naman pala ngumiti eh. Hindi man lang ngumiti kanina saamin.
Nag-usap pa sila tungkol sa Tita ni Zandrea kaya hindi ko nalang iyon pinagtuunan nang pansin. Ang mga kaibigan ko nalang ang hinayaan kong maknig sa usapan nila
Pero, bakit ngayon lang sila nagtatanungan niyan? Sa pagkakaalam ko last sem pa sila dito ah? Weird..
"As in? Baka masungit tita mo, teh?" Tanong pa ni Miko.
"Masungit, minsan naman ay mabait pero kapag nagpaalam naman ng maayos papayag yun. Siya kasi nagbabantay saakin kapag wala ang parents ko syempre ayaw lang nun na may mangyari saking masama diba?" Zandrea.
"Oo nga naman. Pero kung magba-bar ka okay kaya sa kanya?" Tanong pa ni Venice.
"Siguro?! Kapag nagba-bar kasi kami nito ni Sam ay minsan hapon at hindi aabot ng 9 pm. Parehas na istrikto bantay namin eh." Tumatawang sagot ni Zandrea.
"Eh ikaw Sam, sino kasama mo sa inyo?" Tanong ni Miko.
"Tita ko din. Laking tita kami nito eh." Sabi niya na tinuro pa si Zandrea.
"Parehas din na strikto?" Tanong pa ni Yanah.
"Hindi naman actually parehas. Ako kasi, ako mismo magsasabi ng oras ng uwe ko. Si Zandrea kasi hindi. Mas istrikto sa kanya, lalo na at only child siya. Ako kasi may kapatid na babae yun nga lang hindi kami close." Sagot niya.
"What if ipaalam ka namin ngayon? Papayag kaya? Tutal wala namang binigay na gawain mga prof saatin." Tanong ni Venice kay Zandrea.
"Ewan ko lang pero try niyo." Zandrea.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
JugendliteraturZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...