Chapter 92

132 5 4
                                    

PS: There are some grammatical errors so bear with me. Every SUNDAY pa din ang update.

DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE SOME COMMENTS GUYS! ENJOY! 😊

Zandrea's POV

Lumapit kami kay Stancie at nakita ko ang isang painting doon. Ako nga iyon pero never kong nakita iyon noong nandito pa ako. Nilingon ko si Kyle at nakatitig na siya saakin.

Hindi ko alam kung magtatanong ba ako o hihintayin ko siyang magsabi ng tungkol doon, pinili ko yung huli na siyang pinagsisihan ko dahil biglang nag-ring ang cellphone niya.

Malas naman...

Lumayo siya ng sagutin niya iyon at nanatili sa bar area ng bahay niya.

Napatingin ako kay Stancie na hinihila na ang suot kong uniform.

"Mommy, is that you?" itinuro pa niya ulit yung painting.

"Maybe?" wala akong maisagot kaya iyon nalang ang isinagot ko.

"Sir! Sir! Sir!" napahabol ako kay Stancie ng lumapit ito kay Kyle pero sadyang mabilis lang itong tumakbo kaya hindi ko siya nahabol ng makalapit kay Kyle.

"I want to see your cars."

"Stancie, stop! He's talking to someone." pagpigil at mahinang sambit ko.

I mouthed 'sorry' to him dahil sa pang-iistorbo ng anak ko.

Inilayo niya ang phone niya sa tainga niya. "Its okay," sagot nito. "Come here." inialok pa niya ang kamay kay Stancie kaya tuwang-tuwa naman na tumakbo sa kanya.

Why is he doing this? Hindi ba nakakaistorbo ang anak ko sa kanya? Baka mamaya importante ang pinag-uusapan nila.

Yumuko ito para buhatin si Stancie at paupuin sa bar counter habang may kausap na ulit sa cellphone. Naupo nalang ako ulit sa sofa at tinabihan si Stance na nagdo-drawing na sa sketchbook nito.

Mahilig kasi silang magkapatid na magdrawing lalo na itong si Stance.

Narinig ko ang hagikhik ni Stancie kaya nilingon ko siya. Pinipindot-pindot na niya ang pisngi ni Kyle tsaka hahagikgik kapag hinuli ni Kyle ng kagat ang daliri nito.

Nakakatuwa silang tignan.

"No. Nasa itaas si Avi, baka nagbabad nanaman iyon sa bathtub." dinig kong sambit niya sa kausap.

"She's fine, Mom," mommy pala niya ang kausap niya. "No." sagot pa nito.

Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila kaya hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin.

"I'll call you later, Mom. I love you." paalam niya bago ibaba ang tawag.

"Come here, little naughty." pilit niyang inaabot si Stancie na nasa bandang loob na ng bar area niya.

Napairap ako, pwede naman siyang pumasok doon kung tutuusin bakit kailangan pang abut-abutin niya eh makulit din yang anak ko at ayaw magpaabot.

Humagikgik nanaman ang anak ko dahil sa ginagawa ni Kyle.

"Come here na." may lambing na ang boses ni Kyle ng sambitin iyon.

Alam na alam kung paano palapitin ang anak ko dahil lumapit nga ito sa kanya at nagpabuhat para makalabas sa bar area.

"Sir, what's this?" itinuro pa niya ang isang alak.

"I told you not to call me Sir."

"What should I call you then?" tanong ni Stancie na kunwari ay nag-isip pa at inilagay ang hintuturo sa baba.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon