Chapter 56

235 3 0
                                    

KYLE'S POV

Nagmamaneho na ako palabas nang sementeryo nang mapansin kong tahimik si Zandrea sa tabi ko. Tinignan ko siya at nakita kong nakatingin siya sa labas. Hinawakan ko yung kamay niya at hinalikan ang likod nang palad niya na siyang ikinalingon niya.

"Bakit ang tahimik mo?" Tanong ko nang lingunin niya ako.

"Wala naman." Maikling sagot niya.

Alam kong may bumabagabag sa isipan niya kaya pinisil ko nang mahina yung kamay niya.

"Dahil ba iyon sa sinabi ni Ate kanina?" Tanong ko at nag-iwas siya nang tingin at hindi sinagot yung tanong ko. "Don't worry, kilala ko si Ate at hindi niya gagawin iyon." Pagpapalubag loob ko.

"Totoo ba yon?" Dinig kong tanong niya.

Saglit ko naman siyang nilingon. "Oo.. Muntik na nga kaming makasal nung ex ko dati." Sagot ko.

"Sinong ex mo?" Tanong niya.

"Si Shamhie." Napabuntong-hininga pa ako nang banggitin ko yung pangalan niya.

"Ah, yung kulang nalang eh, bigyan mo nang lupa at bahay?" Natatawang sagot niya.

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya at napailing nang may marealize ako.

"Si Ate nagkwento sayo? Mukhang madami siyang naikwento sayo ah?" Tanong ko.

"Hindi naman. Yun lang naman ang nakwento niya." Sagot niya.

Magsasalita na sana ako nang marinig kong mag-ring yung cellphone ko kaya sinagot ko iyon nang makitang si Rai.

"Walang pasok, pre. Pero may announcement." Sabi kaagad niya.

"Sigurado ka?" Tanong ko.

"Oo, on the way kami papunta sainyo." Dinig ko namang nagsalita si Lander.

Nagtataka akong tinignan ulit yung screen nang phone ko. "Magkasama kayo?" Tanong ko nang makitang pangalan talaga ni Rai ang nakaregister.

"Hindi. Conference call." Sagot naman ni Rai.

"Teka, kotse mo yun ah." Dinig naming sabi ni Viniel.

"Ulol, siyempre nasa likuran kita. Nababaliw ka na ba, pre?" Pang-aasar naman ni Rai.

"Puta, hindi ikaw. Si Kyle ang sinasabihan ko." Malakas na sagot niya mula sa kabilang linya.

Binagalan ko ang pagmamaneho ko at pasimpleng tumitingin-tingin sa side mirror at natanaw ko yung sasakyan nung tatlo. Convoy pa ang mga gago. Hahaha akala mo naman hindi nila alam papuntang bahay. Tss.

"Saan ka galing?" Tanong ni Rai.

"Sino?" Sagot naman ni Lander.

"Gago, siyempre si Lim. Magkakasama tayong tatlo kanina!" Malakas na pambabara ni Rai na siyang ikinatawa nung dalawa.

"Sa sementeryo." Sagot ko.

Inilagay ko yung cellphone ko sa phone holder na nasa kotse ko at ni-loud speaker. Si Zandrea naman ang kasama ko kaya okay lang.

"Doon ka natulog?" Tanong ni Viniel.

"Oo." Maikling sagot ko.

"Kyle, tawagan mo daw si Zandrea. Hindi makontak ni Sam." Utos pa ni Viniel.

"Magkasama kami." Sagot ko.

"Ha? Ang aga mo namang nagpunta sakanila?" Bakas ang pagtataka sa boses ni Rai. "Naay! Magkasama kayong natulog kagabi, ano?" Pang-aasar pa niya.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon