ZANDREA'S POV
Naalimpungatan ako dahil sa mumunting halik sa noon ko at labi ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kanina. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa bewang ko ng maramdaman niyang gumalaw ako at halos mapangiwi ako sa sakit ng katawan ko hindi dahil sa sex. We have not done it yet, more on making out session lang kami. Siya na din naman ang kusang tumitigil at hindi na lumalampas pa doon. Kaya nga malakas din ang loob ko na hayaang siya sa ginagawa niya.
"Are you tired?" mahinang tanong niya saakin.
Tumango naman ako at narinig ko ang mahina niyang tawa. Ang damuho kasi, hindi ako pinatulog ng maaga, umabot pa kami ng 3 am at 4:30 palang ngayon for pete's sake. Puyat nanaman ako nito at kailangan ko pang pumunta sa school para kuhanin ang toga ko.
"Patulugin mo muna ako, pupunta pa akong school mamaya." inaantok ng pakiusap ko.
Naramdaman ko nanaman ang halik niya sa noo ko. "Sleepwell, love." sambit pa niya at niyakap ako ng mahigpit.
Hindi ako sumagot at pumikit nalang para hintayin na makatulog ako pero sadya yatang ayaw akong patulugin dahil narinig ko ang pagtunog ng cellphone niya na naka-full volume pa yata. Naramdaman ko ang pagbangon niya para abutin ang cellphone niya na nasa side table.
"I'm sorry," sambit pa niya dahil nahalata niya yata na naalimpungatan ako. "Sasagutin ko lang ito." paalam pa niya at nakita ko naman siyang tumayo at nagtungo sa balcony.
Napapikit pa ako ng mariin ng makitang nakaboxer shorts lang siyang lumabas, hindi man lang nagawang magsuot ng robe. Pinakatitigan ko siya habang nakasandal siya sa balcony at nakita ko sa mukha niya ang pag-aalala kaya lalong nawala ang antok ko. Pumasok siya sa loob ng magkasalubong ang kilay pagkababa niya ng phone at nahiga sa tabi ko, narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya.
"What's wrong?" pang-uusisa ko.
Humarap naman siya saakin at niyakap ako. "Si Avisha, hinahanap daw ako." sagot niya.
"Bakit naman kasi hindi ka doon umuwi? Ilang araw ka ng dito sa bahay mo umuuwi ah." tanong ko.
"Malayo kasi masyado sa bahay, tuwing weekends naman ay nandoon ako." sagot niya.
Bumuntong-hininga ako. "Kahit na, namimiss ka pa din niya. Pwede mo naman siyang dito nalang din iuwi tutal ay nandito ka naman."
"Maboboring siya dito. Buti sa bahay at nandoon si Mommy, uuwi ako mamaya, love." sagot niya.
"Dpat lang, tapos ipasyal mo na din siya para naman hindi siya magtampo." nakangiting suhestiyon ko.
Ngumiti din siya at pinisil ang ilong ko. "I will, love." maikling sagot niya.
Napansin kong inaantok na siya kaya hinayaan ko nalang baka kasi wala pa siyang tulog at pinanood nanaman ako sa pagtulog, minsan kasi ay ginawa niya iyon. Hanggang sa mag-umaga ay tuluyan na akong hindi nakatulog kaya maingat akong bumangon para magluto ng almusal. Hindi naman siya nagising kaya kaagad akong nagtungo sa kusina. Nagtingin ako ng pwedeng lutuin doon at ng makakita ay kaagad na nagluto para paggising niya ay makakakain na siya, alam kong gutom din iyon kagaya ko dahil imbes na kumain kami ay iba ang ginawa namin. Nag-iinit ang pisngi ko sa tuwing maaalala ko ang pinaggagagawa namin.
Nakarinig ako ng yabag kaya nilingon ko iyon at nakita ko siyang naglalakad papunta sa gawi ko. Buti nalang at naisipan na niyang mag-robe ngayon. Kaagad niyang pinulupot sa bewang ko ang braso niya at hinalikan ako sa noo at labi.
"Akala ko ay umalis ka ng hindi nagpapaalam." sambit niya.
"Hindi ko ugali iyon." maikling sagot ko.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...