Kyle's POV
Nag-umpisa nanamang mag-asaran yung mga babaeng kasama namin at wala kaming ibang ginawa ng mga kasama kong lalaki kundi ang tumawa ng palihim. Away-babae 'to kaya hindi kami pwedeng sumali sa gulo nila. Pero ibang usapan na kapag sumobra sila.
Nagkakatinginan na nga lang kami ng mga barkada ko sa patuloy na bangayan nila kanina. Hinihintay nalang naming lumabas sila Venice at Yexa para makaalis na kami dito sa DO at mapag-usapan kung ano ba talagang nangyari kanina.
Narinig kong bumukas yung pinto ng DO at lumabas si Miss Reycie, secretary ni Dean.
"Pinapatawag kayo sa loob." Sabi niya na tumingin pa saaming lahat.
Bakit kailangan kaming lahat? May kinalaman ba kami sa nangyari kanina?
Nagkatinginan pa muna kami ng mga barkada ko bago kami maglakad papunta sa pinto ng DO, syempre pinauna pa muna namin yung mga babae at tsaka kami pumasok. Napahinto yung mga kasama kong pumasok dahilan para mapahinto din ako at mapatingin sa harapan namin.
What the hell? What are they doing here?
"Good Morning po." Bati ng mga kasama ko.
"Good Morning." Bati ni Dean.
"Morning." Maawtoridad na bati din ni Lolo.
Oo! Si Lolo ang nandito kasama ang pamilya ko.
Napatingin ako sa gawing kanan ni Mommy nung makita kong may lumapit sa kanya galing sa pintong nakakonekta sa DO at Faculty.
Anong ginagawa nyan dito? Kailan pa siya nakauwi? Hindi ko man lang alam na nakauwi na pala yung nag-iisang babaeng kapatid ko. May mangungulit nanaman saakin nito sa bahay.
Yumuko ako sa harap ni lolo at humalik naman sa pisngi ni lola bago ako lumapit sa pamilya ko. Humalik ako sa pisngi ni Mommy at tinanguan naman ako ni Daddy.
"Anong ginagawa niyo dito, Dad?" nagtatakang tanong ko kay Daddy.
"Gusto lang namin bisitahin ang BEIS, Kyle. May masama ba sa pagpunta namin dito?" Seryosong sambit niya.
"Wala naman, Dad." Napapakamot sa noong sagot ko.
Napatingin ako sa kapatid ko ng umungot ito at pairap na iniwas ang tingin saakin.
Problema nito?
"Ano nanamang kalokohan ang ginawa mo at nandito ka sa Dean's Office?" Mataray at taas-kilay na tanong ng kapatid ko.
"Anong kalokohan nanaman bang pinagsasabi mo diyan?" tanong ko sa kanya.
Narinig namin ang pagsaway saamin ni Lolokaya natahimik kami. Tinignan lang ako ng masama ng kapatid ko at tumingin kay Lolo.
"Seat down." Mariing utos ni Lolo sa aming lahat.
Nagsiupo kaming lahat sa mismong harap ng pamilya ko at nila Dean.
"We heard what happened awhile ago and I didn't expect this." Galit na sabi ni Dean.
"Sorry, Dean." Umiiyak na sabi ni Angelica. Hindi ko man lang napansin na umiiyak na pala siya.
"Sorry?" Mariin at taas ang kilay na sabi ni Venice. "Ha! Grabe, nandaya ka at sasabihin mo sorry? What the hell?" Dagdag niya.
"Miss Samson!" Pagsusuway ni Dean at natahimik naman si Venice.
"Hindi ko naman talaga sinasadya eh. Hindi naman ako may gusto non. Pinilit lang naman ako ni Missy." Sabi ni Angelica na itinuro pa yung kasama nilang babae.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...