Chapter 19

314 6 0
                                    

Kyle's POV

Nagpatuloy kami sa pagkain nang umalis sila Zandrea. Nagtawanan na nga lang kaming apat dahil hindi namin alam kung anong ire-react namin.

"Nahalikan mo pala yon?" Sinamaan ko nang tingin si Viniel nang sabihin niya iyon.

"Paano mo nalaman?" I asked.

"Dinig ko yung dalawang bakla kanina, naghalikan daw kayo ni Zandrea." Ngumisi siya saakin.

"Kailan? Bilis ah!" Gulat na tanong ni Rai.

"Sa oisis. Nung bumaba ako." Wala namang masama kung sabihin ko dahil malalaman din naman nila.

Tignan mo nga at narinig pa nitong si Viniel samantalang kaming tatlo ay hindi narinig.

"Speed!" Malakas na sambit ni Lander.

"Naghalikan talaga kayo? Eh bakit parang galit sayo? Siguro pinili mo, ano?" Sunod-sunod ma tanong ni Viniel.

Binatukan ko siya. "Hindi! Basta hindi ko pinilit." Sagot ko.

"Iba talaga kapag Lim eh, ang bilis." Napapailing sa sambit ni Lander.

"Baka mamaya marinig ko nalang na nasa condo mo na siya ah! Ibang usapan yon." Sambit ni Rai, seryoso pa.

"Hindi ko gagawin yon! Itulad mo pa ako sainyo." Sinamaan ko sila nang tingin.

Nagpasya kaming umalis na nang cafeteria at nang palabas na kami ng cafeteria ay nakasalubong namin si Angelica at ngumiti pa saakin.

Ano nanaman kayang problema nitong babaeng 'to?

"Hi, Kyle." Bati niya at hindi ko naman siya pinansin kaso talagang makapal ang mukha nito at pinulupot yung braso niya sa braso ko. Tss!

"Kausapin mo naman ako." Dagdag pa niya at yung mga kasama niya ay kumapit naman sa tatlo kong barkada.

Ibang klase! Lantaran na ang paglalandi nila ngayon.

"Don't flirt with me." Inis na sabi ko.

"Ikaw naman, nilalambing ka lang eh." Sabi niya sabay himas sa braso ko at pilit ko naman siyang pinabitaw sa pagkakakapit niya saakin.

"Pwede ba bitiwan mo nga ako." Utos ko tsaka pwersahan na tinanggal yung kamay niya.

"Ouch! Kyle naman eh." Maarte pang sabi niya tsaka ngumuso.

Narinig ko din na nagrereklamo na yung tatlo dahil sa mga kasama nito ni Angelica.

"Get lost!" Sigaw ko sa pagmumukha niya tsaka naglakad palayo kaso hindi pa ko nakakahakbang hinawakan niya ako sa braso tsaka bumulong.

"Mapapasakin ka din, Kyle, tandaan mo yan." Maarteng sabi niya tsaka ako biglang hinalikan sa gilid ng labi at umalis.

Badtrip kahit kailan! Ni hindi ko nga siya lubos na kilala tapos ang lakas ng loob na halikan ako.

May mangilan-ngila g estudyanteng nakakita nang ginawa ni Angelica at narinig namin ang mga bulungan ng mga nadadaanan namin pero hindi ko na yun pinakinggan. Ang inaalala ko ay baka makarating kay Zandrea yung paghalik ng babaeng yun at lalo akong layuan ni Zandrea. Tss..

"Gagong yun, kung hindi lang siya babae nasapak ko na yun." Inis na sabi ko sa tatlo dahil sa sobrang badtrip.

"Pati mga kasama niya, pre, parang ahas!" Reklamo din ni Rai.

"Tss. Hindi yun ahas! Linta yun, linta! Bwisit na mga yun." Salubong ang kilay na sabi ni Viniel.

"Kung makakapit akala mo tuko! Bakit ba kasi dito pa pumasok yung mga yun." Inis din na sabi ni Lander.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon