Chapter 75

158 2 0
                                    

FEEL FREE TO READ MY STORIES. 📖

√ CAMPUS KING MEETS CAMPUS QUEEN.

√ I'M INLOVE WITH MY BESTFRIEND'S BROTHER.

√ LOVE ME IF YOU DARE.

√ I STILL LOVE YOU.

DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE SOME COMMENTS. 😊


ZANDREA'S POV

Nakaupo ako sa harapan ng vanity table dito sa bahay habang tinitignan ang sarili sa salamin. Bakas ang saya sa mukha ko dahil nakauwi ako dito at ilang araw na din akong dito natutulog. Mahigit dalawang buwan na mula nung palayasin ako ni Lolo, hindi ko na siya muling nakita dahil hangga't maaari ay umiiwas ako sa kanya. Alam na ng pamilya ni Kyle ang nangyari at nagkausap na din ang mga pamilya namin tungkol sa pagtira ko sa bahay ni Kyle, sa una ay ayaw talaga pumayag ng pamilya ko pero sa huli ay pumayag din sila ng personal silang kausapin ni Kyle at hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung ano ang napag-usapan nila.

"Ang ganda naman ng alaga ko." sambit ni Manang.

"Si Manang talaga, kanina mo pa po ako inuuto." nakangiting sagot ko.

Hinaplos naman niya ang buhok ko habang nakatingin saakin mula sa salamin. "Hindi kita inuuto, hija, nagsasabi lang ako ng totoo." sambit pa niya.

Hindi na ako sumagot at nginitian nalang siya mula sa salamin. Ngayon kasi ang araw ng debut ko kaya ako nandito sa bahay, maya-maya lang din ay bibiyahe na kami papunta sa reception. Dito ko pinili sa bahay na mag-ayos dahil namiss ko dito. Malapit lang naman dito ang venue kaya hindi ako mahihirapan na pumunta doon. Pero yung nga kaibigan ko at ibang bisita ay nandoon sa hotel sa mismong venue. May pool party naman pagkatapos ng main event.





 May pool party naman pagkatapos ng main event

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Ganda, nandiyan na po yung sundo mo." sambit nung make-up artist ko na si Kuya Norbie, na siyang handler ko simula pa nung unang sabak ko sa pageant.

Tumayo ako at kaagad namang inayos ng mga assisstant ni Kuya Norbie ang suot kong gown. Isa iyong royal blue dress na off shoulder lace up. Hindi ko nga akalain na ganito kaganda ang magiging outcome ng gown ko. Inalalayan ako pababa ng hagdan at naabutan si Kyle na nakaupo sa sofa. Kaagad siyang tumayo ng makita ako at napangiti ng magtama ang mga mata namin.






 Kaagad siyang tumayo ng makita ako at napangiti ng magtama ang mga mata namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon