Chapter 42

236 6 0
                                    

Kyle's POV

Hindi ko akalain na ako yung mananalo dahil nga isang boto lang ang lamang sa number of votes na pinakita sa monitor kanina. Balita ko kasi maganda ang naging pamamalakad nung president last sem na siya ding nakalaban ko ngayon. Siguro gusto naman nila ng panibagong mamumuno kaya ako ang binoto nung iba.

"Congrats, guys!" Dinig kong sabi ni Jessica na siyang nanalong 4th year representative.

Nginitian ko nalang siya at tumingin na ulit sa stage kung nasaan yung mga nanalong officer CHIM. Nasa representatives palang kasi yung mga sinabing nanalo at lalo akong kinakabahan para kay Zandrea.

"Sana manalo sila." Dinig kong sabi ni Viniel.

Sana nga.

"Congratulations to the elected President of CHIM Society. None other than.." Dinig naming sabi nung MC. Biglang tumahimik ang crowd at lahat kami ay hinihintay kung sinong mananalong Chim president.

"Angelica Morales. Congratulations." Dinig kong sabi nung MC.

"Sh*t! Si Angelica?" gulat na sabi ni Rai.

"What?" Biglang sigaw ni Viniel.


Napatingin ako sa gawi ni Zandrea at nakita ko naman siyang nakayuko habang nakaharap sa kanya si Angelica na ngiting-ngiti.

"Tara." Sabi ko sa mga barkada ko na isinenyas sila Zandrea.

Agad naman kaming lumapit sa kanila at nakita naming bumaba ng stage sila Sam papunta sa gawi namin.

"Paano ba yan? Sabi naman sayo eh ako yung mananalo." Pang-aasar ni Angelica at hindi naman siya pinansin ni Zandrea.

"Tumigil ka na nga, Angelica." Sabi ni Sam nung makalapit saamin.

"Oh? Hindi niyo man lang ako hinintay na makaakyat sa stage?" Taas ang kilay na sabi ni Angelica na kay Sam nakatingin.

"Edi umakyat ka na don. Solong-solo mo yang stage. Kahit magsisisigaw ka diyan sa pagkapanalo mo walang pipigil sayo! Alis!" Pagtataray ni Sam.

"Duh! Trash!" Sabi ni Angelica. "Bye! See you when I see you, Zandrea." Pang-aasar pa niya at nagsimulang umakyat sa stage.

"Tss. Umakyat nga ang p*tang-ina" Bulong pa ni Sam na nakatingin kay Angelica.

"Okay ka lang?" Tanong ko kay Zandrea.

"Oo naman." Sagot niya ng nakangiti. "Hindi naman ito ang magiging dahilan para malungkot ako. Hindi ko lang talaga nagustuhan yung tabas ng dila ng babaeng yun." Sabi pa niya na inginuso si Angelica na ngiting-ngiti habang kinukuhanan sila ng litrato kasama yung head ng CHIM.

"Tara na nga at gusto kong pasabugin 'tong gym habang nandito ang babaeng yan 'te. Tignan mo naman oh kung makangiti. Nakakarindi!" Dinig kong iritang sambit ni Austin.

Maglalakad na sana kami ng biglang magsalita si Venice. Napatingin kami sa kanila ni Yexa na nasa likuran namin.

"Anyare 'teh? Mukhang balisa ka?" Tanong niya kay Yexa na nagkukutkot ng daliri.

"Oo nga 'teh. Kanina pa yan mula nung umakyat tayo sa stage." sang-ayon ni Yanah.

"Ah, wait lang ah?!" Paalam ni Yexa at hinila si Venice sa 'di kalayuan saamin.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon