AN: I-enjoy ang pagbabasa ah, huwag lang gagawin/gagayahin lalo na ang mga menor de edad pa diyan! HAHAHA
FEEL FREE TO READ MY STORIES. 📑
√ CAMPUS KING MEETS CAMPUS QUEEN. 👑👸
√ I'M INLOVE WITH MY BESTFRIEND'S BROTHER. 👫💏💑
√ LOVE ME IF YOU DARE. 💙💜💑
√ I STILL LOVE YOU. 👫💏💑💙💖
PS: MAG-A-UPDATE AKO SA LAHAT NG STORIES KO NGAYON! ITO ANG KAUNA-UNAHANG SABAY-SABAY AKONG MAG-UPDATE. HAHAHAHA
RAI'S POVKinabukasan ay nakatanggap kami ng email mula sa school na kailangan naming pumunta doon ng 1 pm dahil sa praktis para sa graduation. Sa hotel iyon gaganapin pero magkita-kita sa school para sabay-sabay na kaming pupunta sa hotel dahil school bus ng school ang gagamitin. Nag-message ako kay Kyle at sinabi naman niya na hindi na namin kailangang sumabay sa schoolbus kaya hindi na namin po-problemahin kung ma-late man kami. Nasa bahay ko ako at dito ako umuwi kagabi dahil masyadong malayo kung sa bahay ng parents ko ako uuwi. Natanaw ko din naman sa parking lot ng mga mokong ang mga sasakyan nila at alam kong sa mga bahay din nila sila nagsiuwi. Nakatanggap ako ng text mula kay Viniel.
"Hoy! Puntahan mo nga iyon si Kyle sa bahay niya." utos pa nito.
Nireplyan ko siya at ilang ulit na minura ang cellphone ko dahil sa pag-uutos saakin ng gagong Viniel na yon.
"Bakit ako? Ako itong nasa pinakadulong bahay ako pa ang papupuntahin mo? Gago ka ba? Magkapitbahay lang kayo! Ulol!" pagmumura ko.
Inihagis ko yung cellphone ko sa gilid ko ng maupo ako sa sofa at nag-ring naman ito kaya sinagot ko kaagad.
"Gago! Alam mong hindi ako umuuwi diyan dahil walang makakasama si Sam kapag wala ako. Puntahan mo na iyon at baka nalunod na sa alak." utos nanaman niya.
"Nalunod sa alak? Te---teka!" napatingin ako sa wrist watch ko. "This early?" nagmadali akong tumayo at mabilis na naglakad palabas ng bahay.
Patakbo akong nagtungo sa bahay ni Kyle at sunod-sunod na nag-doorbell pero hindi niya ako pinagbubuksan.
"Woi, Lim! Pagbuksan mo nga ako!" malakas na sigaw ko.
Natanaw ko si Lander na lumabas mula sa bahay niya at nagmadali din na puntahan ako.
"Anong nangyari?" tanong niya kaagad.
Itinuro ko yung bahay ni Kyle. "Itong si Kyle ayaw akong pagbuksan. Nag-iinom daw sabi ni Viniel." sagot ko at muling nagdoorbell.
Kinalampag naman niya yung gate ni Kyle at sumigaw din para tawagin ito.
"Woi, Lim! Buhay ka pa ba?" sigaw nanaman niya at binatukan ko siya.
Inambaan naman niya ako. "Nagtatanong lang ako baka kasi nagpakamatay na!" ungot niya at parehas kaming natigilan.
Dahan-dahan kaming napatingin sa bahay niya at ng mapagtanto ang sinabi ni Lander ay nag-unahan kaming makaakyat sa gate. Parehas na kaming nasa taas at pilit niya akong itinutulak para siya ang maunang makababa dahil nagkakabungguan kami at parehas kaming nakadapa.
"Anong ginagawa niyo diyan? Para kayong tanga. Hindi tanga na pala kayo!" napapailing sabay tawang sambit ni Kyle na ngayon ay naglalakad na palapit saamin.
Gago 'tong taong ito. Imbes na tulungan kaming makababa ay pinagtawanan pa kami at ngayon nga ay nakapameywang habang nakatingin saamin.
"Woi, gago ka! Wala kang balak tulungan kami?" tanong ni Lander.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...