Chapter 4

485 12 0
                                    

Kyle's POV

Papasok palang kami sa cafeteria ng tourism ay grabe na ang tilian at hiyawan ng mga babaeng nasa paligid at loob. Minsan ay hindi na nakakatuwa ang mga tilian dahil baka mapagalitan na kami at mapunta sa detention room. Kaninang lunch ay ganito din ang eksena dito. Vacant namin kaya nagtungo kami ulit dito at nagbabaka-sakaling makikita na namin yung mga sinasabi nila.

Pumunta kami sa mesang kapansin-pansing hindi inuupuan sa cafeteria na yun. Tsaka kami umorder ng pagkain namin. Hindi din kami halos nakakain kanina dahil sa dami nang gustong makipag-usap saamin. At ang mga kaibigan ko naman ay busy'ng-busy sa paghahanap doon sa sinasabi nilang transferee.

May mga kababaihang nasa tabing table namin na kanina pa tingin nang tingin sa gawi namin, naalis lang iyon nang may sabihin yung isa sa kanila.

"Nandiyan na ang mga Losers!"

"Panira ng araw."

"Bakit kasi dito pa sila lumipat."

Nagkatinginan kaming magkakaibigan nung marinig namin yung bulungan sa kalapit na table namin. Ewan kung bulong bang matatawag iyon, eh rinig na rinig naman namin. Napatingin kami sa mga babaeng nagbubulungan at tinignan namin kung sino ang pinag-uusapan nila.

"Sino yung mga yun?" Tanong ko habang nakatingin sa tinitignan nung mga babaeng nagbubulungan. Hindi ako sigurado kung tama ba ang tinitignan ko dahil madaming babae ang nandoon.

"Ewan, pero dati ng pinag-uusapan yang mga yan, hindi ko lang alam kung bakit." Lander.

"Oo nga. Ano kayang meron sa kanila?" Tanong ni Rai.

Nanatili ang tingin ko sa kanila dahil para silang walang pakialam na may mga taong pinag-uusapan sila. Ang alam kong aware sila doon dahil ang ibang kasama nila ay napapatingin sa katabing table namin.

"Tol, nandiyan na sila."

Napalingon naman ako sa isa pang malapit sa table namin na pawang mga lalaki. May pinagbubulungan din sila at nang magsitinginan ang iba pa sa table na nandoon sa side nang counter ay sinundan ko iyon nang tingin at dumapo sa babaeng kanina ko pa tinitignan.

Patapos na kami sa pagkain nang maalala kong wala pala kaming naorder na drinks kaya tinawag at sinenyasan ko yung boy na kasama nung babae sa counter na lumapit saamin.

"Ano po yun, sir?" Tanong niya nang makalapit.

"Can I order four coke in can and water." Sabi ko tsaka ko iniabot yung card ko.

Card kasi ang gamit dito sa university. May sariling card ang cafeteria dito at babayaran mo ang bill mo every last Saturday of the month don sa machine na nasa cashier malapit sa registrar.

"Sige po sir." Sagot nung boy.

Nagkwentuhan lang kami habang hinihintay namin yung binili kong drinks. At nung bumalik na sa table namin yung lalaki tinanong ko siya kung sino yung pinag-uusapan nila.

"Kilala mo ba yung pinag-uusapan ng ibang babae dito?" I asked.

"Madami naman po silang pinag-uusapan, Sir." Sagot niya na napakamot pa sa ulo.

"Yung transferee?" Patanong na singit ni Rai sa usapan namin nung lalaki.

"Ah opo kilala ko po, Sir. Lagi po kasi silang pinag-uusapan ng mga babaeng yun." Pasimpleng turo niya don sa mga babaeng nakita naming nagbubulungan kanina.

Nagkatinginan pa kaming apat bago tumingin ulit don sa boy at hinintay ang iba pa niyang sasabihin pero mukhang wala siyang balak na magsalita pa kaya nagtanong na si Lander.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon