Chapter 93

152 8 3
                                    

THERE ARE SOME GRAMMATICAL ERRORS SO BEAR WITH ME. AAYUSIN KO SIYA KAPAG COMPLETED NA GUYS AND MAGDADAGDAG AKO NG MGA SCENES SA MGA NAUNANG CHAPTERS. 😂✌

EVERY SUNDAY PA DIN ANG UPDATE. KUNG MAKATAPOS AGAD EDI MAY UPDATE KAHIT HINDI PA SUNDAY. BUT DON'T EXPECT TOO MUCH, GUYS. MAY WORK DIN AKO AT HINDI AGAD NAKAKAPAGSULAT.

Don't forget to vote and leave some comments! See you sa next chapter. 😊

7 chapters to go...

Zandrea's POV

"I will ask you again, Zandrea, anak ko ba sila?"

Nanatili ang tingin ko sa nakasarang pinto, halos marinig ko ang  malakas na paghinga niya at alam kong nasa likuran ko lang siya.

"Why?" he asked again.

Bumuntong-hininga ako. "What made you think that?" I asked.

Narinig ko ang buntong-hininga niya. "Face me." utos niya pero hindi ako sumunod.

"Just tell me." pagpupumilit ko.

"Stancie's second name." mahinang sagot niya.

How did he know? I call them with their first name.

Nasagot ang tanong ko ng iabot niya saakin ang I.D ni Stancie habang nakatalikod ako sa kanya.

"Can you explain this to me?" garalgal na ang boses niya ng sambitin iyon.

Hindi ko inalis ang titig ko sa I.D hanggang sa kuhanin ko ito. Yumuko ako at pinakatitigan ito.

Stancie Yrlennah Monte Villa

"I have nothing to explain to you." sagot ko.

Binuksan ko ang pinto pero pabalang niya iyong isinara gamit ang kaliwang kamay and he made me face him. Hinawakan niya ako sa braso at sapilitang iniharap sa kanya. Yumuko ako para pigilan ang luhang kanina pa gustong kumawala.

"Just..just tell me the truth." nabasag ang boses niya dahil sa pag-iyak.

Umiling ako at hindi sumagot.

"Fuck!" malakas niyang sambit. "Just please..please..tell me the truth." pagmakaawa na niya.

Hinawakan niya ang mga palad ko at inilagay sa mga pisngi niya. Agad iyong nabasa dahil sa luha niya pero umiwas ako ng tingin ng masulyapan ko ang itsura niya.

"Hindi..hindi ikaw--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng tuluyang ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Traydor din talaga ang mga luhang ito. Tss. Binawi ko ang kamay ko at pilit pinupunasan ang mga luhang patuloy sa pagbagsak.

"Then why?" seryosong tanong niya kahit na patuloy pa din sa pagtulo ang mga luha niya.

Hindi ako sumagot hanggang sa tumigil sa pagdaloy ang mga luha ko. Napansin ko ang pagpunas niya ng mga luha.

"I want a DNA." doon ako napalingon sa kanya at bumalik ang kaba sa dibdib ko.

Umiling ako ng seryoso niya akong titigan. "No." sagot ko.

"Why not? Are you afraid that I will find out the truth?" hindi ko na mabasa ang emosyong ipinapakita ng mga mata niya.

Hindi ako sumagot. Kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi na ko makapagsalita at para hayaan na niya akong umalis.

"Just tell me the truth, Zandrea." maawtoridad ng sambit niya.

"I'm going." sambit ko at binuksan ulit ang pinto pero sa ikalawang pagkakataon ay isinara niya iyon gamit ang kamay.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon