Saji Argelia's Point of View.
Ilang araw na ang nakalipas at maayos na nailibing si mommy at hanggang ngayon ay parang hindi pa rin totoo ang lahat, nakakalungkot pa rin.
Habang si daddy ay naka confine, he's not well. Hindi siya nakakausap, hindi siya nagsasalita.
"Hija take a break," napalingon ako kay Tita Miyu at matipid na ngumiti.
"I wanted to tita, but I'll end up thinking about what happened kaya mas gusto kong maging busy." Tumango tango si tita at tinapik ang likod ko.
"Sige na at gagayak muna kami," ngumiti ako at nagpaalam na sa kanila.
Dalawang araw ko na rin hindi nakikita si Kent Axel, mukhang binigyan niya nga muna ako ng oras ngunit hindi makabubuti para sa amin ang magsama sa mga oras na 'to.
"Saji," napatingin ako kay Kuya Luke. Nang yakapin ako nito ay para akong isang dagat na nananahimik ngunit biglang umalon ng malakas.
"Tama na," pagpapatahan niya ngunit panay ang iyak ko.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko oppa," humikbi ako at mas lumuha, "si daddy hindi siya okay. Pakiramdam ko ayaw nila akong sumaya," wika ko ngunit tapik ni Kuya Luke ang nagpapatahan sa akin.
"Pagsubok lang 'yan na kailangan mong malampasan Saji, huwag mo ng mas saktan pa yung sarili mo." Mahinahon niyang sabi.
"Si Kent Axel wala siyang kinalaman rito—"
"Don't mention him oppa," mahina kong wika at lumayo dahilan para bumuntong hininga siya.
"Saji parehas niyong pinahihirapan ang sarili niyong dalawa," Kuya Luke said but then I hissed out of guilt, "dapat kayong dalawa ang nagtutulungan eh." He claimed but then I can't just accept.
"I can't do this for a while oppa," bulong ko.
"I need a space."
"Ayoko muna siyang makasama, I want to be free around because at this time I can't control myself." I explained.
"Una pa lang sinabi ko na 'to sa kaniya."
"Kaya hindi ko alam oppa," bulong ko at sumandal sa sofa.
"Kung ganoon siya ang kausapin mo para malinaw." He suggested.
"Hindi ko siya gustong makita sa ngayon, naalala ko lang si mommy." Mailap kong sabi at tinignan si Kuya Luke na parehas naka krus ang mga braso sa dibdib at ang paa ay bahagyang naka tiptoe ang isa.
"Kung ganoon ay choice mo," wika niya at bumuntong hininga.
"Tara kumain ka na," anyaya niya kaya sumunod na lang ako kay Kuya Luke.
Makalipas ang ilang araw ay sobrang naging busy ako sa hospital, panay operasyon ang pinasok ko at nagtambay rin ako sa emergency room para mas malibang.
Ngayon ay papunta na ako sa office ko para magpahinga sandali ngunit natanaw ko si Gavin mula sa labas ng office ko. Nang makalapit ay hinarap niya ako kaagad.
"H-Hey doctor," bati niya kaya tinanguan ko siya at sinenyasan na pumasok.
Nang makaupo sa mismong swivel chair ko ay tinignan ko siya. "Is there anything you want to say?" tanong ko.
"How do you feel?" I asked again.
"No doctor, how do you feel?" tanong niya dahilan para matigilan ako at sandaling matawa.
"Ayos lang ako, bakit?" tanong ko sa kaniya.
"I heard what happened doctor, I'm sorry hindi ako nakapunta." Matipid akong ngumiti at tumango.
BINABASA MO ANG
SANDOVAL'S DESIRE
Romance"Isa itong tanong sa kung saan mamimili ka sa dalawa Kent, hindi madali.." natulala ako kung gaano ka-seryoso ang Noona (Ate) ko sa tanong. "But you have to choose right now, in front of this moon." Kaba ang dinulot nito sa dibdib ko, Madalas na p...