Chapter 33 [Play with fire]

170 15 92
                                    

Saji Argelia's Point of View.


Matapos ang bakasyon namin na sandali ay bumalik na kami sa normal naming buhay, ilang araw na mula ng makauwi kami at yon yung araw na huli ko siyang nakita dahil busy ako sa ospital at maraming operasyon rin ang dumaan at ngayon makakapagpahinga ako.

Nasa doctor's room ako at nakasandal sa mismong sofa pagod na pagod, I should go to my penthouse for a moment gustong gusto kong matulog. Tumayo ako at mabuti na lang bago lumabas ay nakasalubong ko si Kuya Zai.

"I'm going home muna oppa, I'll see you." Paalam ko at humalik sa pisngi nito.

"Take care," wika niya at pinagbuksan pa ako ng pinto ng makalabas ay papikit pikit pa akong naglakad papunta sa elevator.

I feel so tired, nang makapunta sa ground floor ay lumabas ako ng ospital at naglakad papunta sa hotel building dahil nandoon ang penthouse.

Wala akong tulog isang araw na dahil sa sunod sunod na operasyon, habang naghihintay na makapunta sa floor ko sa hotel ay pumikit muna ako at sumandal sa mismong gilid. Habang nakapikit ay mabilis akong napamulat ng biglang bumukas ulit ngunit nahiya ako at napaayos ng tayo ng makita si Kent Axel.

Nagtaka rin siya kaya huminga ako ng malalim at nang tumabi na siya kaagad kong naamoy ang pabango niyang masarap amuyin, hindi masakit sa ilong. "You sleepy?" He questioned.

"Mm," tugon ko at inayos ang sarili.

"Katatapos lang ng duty mo?" He questioned again kaya dahan dahan akong tumango.

Hindi na siya nagsalita pa noon kaya bahagya akong pumikit sa susunod na bukas naman ay 'yon na ang labas ko nang tumunog ay derederetso lang akong naglakad antok na antok. Nang makarating sa harap ng pinto ay inilagay ko ang password solo floor kasi ang penthouse.

Nangunot ang noo ko ng password incorrect. "I can't recall changing my pass code," bulong ko at huminga ng malalim muli ay tinype ko but it's incorrect again.

"Saji," napalingon ako kaagad ng marinig ang tinig ni Kent Axel.

"Ha? bakit?" inaantok ko talagang tanong.

"May problema?" Tanong niya kaya huminga ako ng malalim.

"It says it's incorrect, but I didn't change my password." I tried calming myself because I'm really sleepy and irritated.

"Step aside," wika niya kaya gumilid ako hanggang sa siya ang nag-type at nangunot lalo ang noo ko nang bumukas 'yon ay nanlaki ang mata ko.

"How did you know?" tanong ko at pumasok na sa loob ngunit halos matigilan ako ng makita na iba ang interior ng buong penthouse and the smell is so manly such like Kent Axel?

"W-Why is it di--"

"Sleepyhead huh?" saad niya dahilan para mangunot ang noo ko.

"W-What's happening?" Gulantang kong tanong at luminga.

"It's my floor Saji, you clicked the wrong floor." Halos mahiya ako sa kinatatayuan ko at napatakip sa mukha.

"Gosh I'm sorry," nahihiya kong wika.

I heard him chuckle. "You should rest, c'mon ihahatid na kita baka ibang kwarto pa ang pasukin mo." He calmly said kaya naman ngumuso ako at muling lumabas na nang makasakay sa elevator ay sinamahan niya talaga ako.

Nang nasa floor ko na ay narinig ko pa ang mahina niyang tawa dahilan para hiyang hiya akong ngumuso. "Salamat pasensya," mabilis kong sabi at pumasok na sa loob at pagkapasok ay inis na inis akong dumeretso sa kama at inalis na lang ang suot kong sapatos tsaka ipinikit ang mga mata.

SANDOVAL'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon