Saji Argelia's Point of View.
Umuwi muna ako sa penthouse at nagpahinga ng sandali, papasok na lang ako sa trabaho naligo rin ako at nagbihis ng scrubs at ang white coat ko. Nang matapos ay tahimik akong pumasok dahil alam kong mabilis na kakalat ang issue na nawalan ng ala-ala si Kent Axel.
Akala ko ayos na lahat, pero sa ngayon ay si Lauren ang gusto niya at wala akong magagawa doon, hindi naman agad agad nakakakilala ang puso. Nawalan rin ako ng ala-ala tulad niya, ganoon na ganoon ngunit mas malala nga lang ang sa akin dahil mahigit 7 years.
Hawak hawak ko ang cup ng coffee habang naglalakad sa hallway ng hospital hanggang sa masalubong ko si Kuya Zai. "Bakit?" Mahinahon na tanong ko.
"Badtrip ako." Ngiwing sagot niya at ibinulsa ang kamay sa white coat kaya mahina akong natawa.
"Ako rin, dami daming makakalimutan yung parte pa naming dalawa. Mukhang postpone pa yung wedding ko, hindi na ata ako magkakaroon ng baby oppa." Nagmamaktol kong sabi dahilan para matawa siya.
"Baby amp, atat kasi matanda na." Nginiwian ko si Kuya Zai.
"Ilang taon ka na rin naman nagka-anak ah." Singhal ko.
"Gagi ka lalake ako, hindi naman ako ang nagdala ng baby." Ngumisi siya sa akin kaya ngumuso ako at nanatili sa post ng nurses.
"Kailan niya kaya maalala oppa?" Mahinahon kong tanong.
"Hindi ko alam, ikaw nga it takes years." Ngumuso ako at napahilot sa sintido.
"Ano ba naman kasi," dismayadong dismayado talaga ako.
"Is he wearing his ring?" Mahinahon kong tanong.
"Hindi pa nga niya napapansin eh, busy kakaisip. Pinipilit niya makakasama sa kaniya 'yon." Bumuntong hininga ako sa sinabi ni Kuya Zai, masama talaga sa kanila ang pag-alala ng pilit.
Alam niyo na brain can't feel pain but can send pain! If you get what I mean at nakaka-stress talaga. "Gising na si Kent Axel?" Halos mapatalon ako ng may malaking boses ang nagsalita.
"Oh hindi ka pa ba natutulog?" Tanong ni Jared kaya ngumiwi ako.
"Gising na siya, doon yung room—"
"Samahan mo 'ko." Hiniklat ako ni Jared at tinangay papasok sa loob ng hospital room ni Kent Axel.
"T-Teka!" Singhal ko pero nakapasok na kami.
"Bungol sabing teka eh." Reklamo ko.
"Limot niya 7 years." Pabulong kong sabi at maayos na naupo sa sofa lalo na ng tignan ako ni Kent Axel.
"Seryoso nga?" Paninigurado ni Jared at alanganin na ngumiti kay Kent Axel.
"Bro bati na tayo, hindi kita niloloko nakalimutan mo lang." paglilinaw ni Jared kaya mahina akong natawa at uminom na lang ng kape.
"Ah we reconciled?" Mahinahon niyang tanong, nangunot ang noo kaya naman marahan rin na tumango si Jared at naupo sa harap ni Kent Axel.
"Wala ka talagang naalala kahit kaunti bro?" Tanong ni Jared.
"Don't make him recall hard, masama sa kaniya 'yon." Mahinahon na sabi ko at tumayo papalapit sa dextrose ni Kent Axel at inayos ang pag-tulo no'n.
"So it's true? Doctor ka na." Huminga ako ng malalim at hinarap si Kent Axel habang nakabulsa ang kamay ko sa white coat.
"Yeah, top 1." Ngising sabi ko.
"Woah, congrats." Ngumiti ako at bahagyang yumuko dahilan para manlaki ang mata niya at bahagyang umatras.
BINABASA MO ANG
SANDOVAL'S DESIRE
Romance"Isa itong tanong sa kung saan mamimili ka sa dalawa Kent, hindi madali.." natulala ako kung gaano ka-seryoso ang Noona (Ate) ko sa tanong. "But you have to choose right now, in front of this moon." Kaba ang dinulot nito sa dibdib ko, Madalas na p...