Chapter 8 [Lowkey Fights]

159 17 15
                                    

Kent Axel's POV.


Isang buwan ang nakalipas ay mas naging busy kami sa School, habang si Saji ay mabuti ring nag-aaral at ang lawyer niyang manliligaw patuloy pa rin kaka-istorbo.

"Kent Axel, Pahiram ako." naitaas ko ang air pods upang masigurado kung iyon ba ang kailangan niya, Mukhang naririndi si Saji at hindi makapag focus.

"Yup." kaya naman inabot ko yon sa kaniya at tsaka ako nag focus sa librong binabasa, sanay na ata akong magbasa kahit maingay ang paligid.

"Argelia, Hinahanap ka nang Law Student." agad kong napatingin nang tumayo si Saji at nag mamadaling lumabas, Nangunot ang noo ko at tsaka tumayo rin.

'Baka may ibang gawin eh, I'm ready for Back up.'

"Date? I'm busy kasi eh.." sa sagot ni Saji ay binagalan ko ang pag lalakad.

"May bar party kasi ang best friend ko and I want you to come with me and then let's stay at my Condo." napangiwi ako sa Narinig, nag-aaya sa Condo? Gagawin nila don?

"W-Why? B-Bakit sa condo mo?" gulat na tanong ni Saji.

"Well, tambay lang." saad ni Aries.

"I can't, may Recitations kami bukas." sagot ni Saji.

"Please? Argelia.. Parang iniiwasan mo kasi ako." ngumisi na lang ako ulit.

"I'm sorry Aries." saad ni Saji.

"Don't you like me anymore?" sa tanong ni Aries ay mas natutuwa ako.

"I'm busy." sagot ni Saji.

"Pero sige, I'll think about it." aniya ni Saji at doon ako ngumiwi tapos dala-dala ang libro ay tinalikuran sila.

Bumalik ako sa room at nagbasa na lang not until someone called me outside the room, kusa akong napangiti nang makita si Lauren. "Why? Are you taking me out on a date?" Nakangiti kong tanong.

"There's a bar party, I want you to come with me. I already invited my girl friends and of course you." nangunot ang noo ko.

"Bar party?"

"Oo, Birthday nang kaibigan ko from Law." sagot niya kaya tumango ako.

"Sure, I'll be there." sagot ko maganda itong ngumiti kaya naman natuwa ako.

"Kilig ka naman?" mabilis akong inirapan ni Lauren tapos tinalikuran na kaya na pangiti ako.

'I'll have fun then, mukhang same kami ng event ni Saji ah?'

"Ganda ng ngiti mo diyan?" Mabilis kong inalis yon at nilingon si Saji naningkit ang mga mata kong tinignan siya.

"What's with my smile? Ayaw mo?" Ngumiti siya at umiling iling na lang kaya naman sinabayan ko siyang maglakad.

"Ano meron sa abogado mong manliligaw?" Tanong ko sa kaniya.

"Inaaya ako sa bar party kaya sabi ko sige na lang, Sama ka?" Tanong niya kaya mabilis akong umiling.

Gugulatin ko na lang siya sa event mamaya, lumabi naman siya at tumango tango. "Nakakatamad magbasa ngayon, parang wala ako sa mood araw araw." Sagot niya kaya naman nangunot ang noo ko.

"Ba't?"

"Paniki.." Sa sagot niya ay umawang ang labi ko kung nananakit lang ako ng babae nabatukan ko na ang isang 'to.

Nang magsimula na ang klase ay uwian na kaya naman tinignan ko si Saji na nakaupo pa rin kaya kinalabit ko ang likod ng ulo niya. "Oh?" Tanong niya agad.

SANDOVAL'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon