Third Person's Point of View.
Matapos uminom ni Kent Axel ay nakagat ni Saji ang ibabang labi ng humingi pa ito ng isa nang makainom ng dalawang baso ay nakahinga ng maluwag si Saji.
"Hindi kita madadala sa labas para kumain ng bulalo o lobster kasi nanghihina ka kaya kumain ka muna nito." Mahinahon na sabi ni Saji at hinawakan ang mangkok na naglalaman ng lugaw at manok.
"L-Luto mo yan?" namamaos ang boses ni Kent dahil dehydrated na rin talaga siya.
"Oo, kaya kainin mo kasi para sa'yo yan." Sagot ni Saji at tsaka iaabot na sana kay Kent Axel ang mangkok ng sabihin ni Kent na, "Akala ko ba susubuan mo ako?"
Awtomatikong napalunok si Saji kaya naman tumango na lang ito at inihipan ang laman ng kutsara upang hindi masinit si Kent.
"Okay lang ba yung lasa?" Tanong ni Saji.
"Mm." Matipid na sagot ni Kent Axel.
"Nagkausap naman na tayo 'di ba?" Nangunot ang noo ni Saji sa sinabi ni Kent.
"N-Ngayon lang ulit ako pumunta rito." Sagot niya, punong puno ng pagtataka ang isip ni Kent sa narinig.
Nang maubos ni Kent Axel ang isang mangkok ay akala ni Saji tapos na ngunit, "Wala na?" tanong ni Kent Axel.
Pigil ngiti si Saji. "Meron pa sandali kukuha ako." Paalam niya sandali at tumayo dala dala ang tray.
Nang makalabas ay biglang napatayo ng tuwid ang mag-ina at ganoon na lang ang panlalaki ng mata nila ng makitang walang laman.
"Kumain?!"
"Did he eat it all?" Gulat ma gulat na tanong nila.
"Yes po." Sagot ni Saji.
"Kulang pa po niya." Mahinang natawa si Saji ng sabihin 'yon at parang nanalo naman ng lotto ang mag-ina na napatalon pa.
"Akin na 'yan ihahanda ko na ang maraming niluto mo." Masayang sabi ni Miyu at tsaka nagmamadali ngunit maingat na bumaba.
"Salamat Saji."
"Salamat talaga." Pagpapasalamat ni Mia matipid na ngumiti si Saji at hinintay ang lugaw.
Nang makabalik ay maraming lugaw na ang dala at mas malaki ang mangkok. "Salamat po." Paalam niya at bumalik na sa loob ng makabalik ay nilingon siya kaagad ni Kent Axel.
"S-Susubuan kita ulit?" Tanong ni Saji.
"Mm." Tugon lang ni Kent kaya naman napalunok si Saji at tumango na lang.
"A-Ano.."
"Ano?" Tanong ni Kent.
"Magpalakas ka kaagad." Dagdag ni Saji.
"B-Bakit? Namiss mo 'ko?" Hindi nakaimik si Saji sa biro ni Kent dahil namiss niya talaga ang binata.
"H-Hindi 'no."
"Kung ganoon nag-aalala ka?" Tanong ni Kent.
"Hindi ba obvious?" Mahinang sagot ni Saji.
"Halata." Mahinang sagot ni Kent.
"Bakit tinatanong mo pa?" She said, sarcastic.
"I just want to hear it. Because you're a hard person, hard as rock." Napapansin ni Saji na kahit papaano ay bumabalik na ang lakas ni Kent Axel.
Nang-aasar at namemersonal na kasi. "Kumain ka na, kung hindi ka kakain ako ang nagpapakain sa'yo. Kahit bumalik pa ako ng madaling araw napainom ka lang ng tubig." Mahinang sabi ni Saji.
BINABASA MO ANG
SANDOVAL'S DESIRE
Romance"Isa itong tanong sa kung saan mamimili ka sa dalawa Kent, hindi madali.." natulala ako kung gaano ka-seryoso ang Noona (Ate) ko sa tanong. "But you have to choose right now, in front of this moon." Kaba ang dinulot nito sa dibdib ko, Madalas na p...