Saji Argelia's Point of View.
After lunch napapansin kong hinahanap pa rin ni Kent Axel ang sing sing. "Noona who gave me that ring?" Tanong ni Kent Axel kaya naman ng magkibit balikat si Ate Mia ay ngumiwi si Kent Axel.
"I now hate the fact that I can't remember a thing," ngumiti ako dahilan para lingunin niya.
"What's funny huh?" Singhal niya kaya natawa ako ngunit halos mahigit ko ang sariling hininga ng akbayan niya ako dahilan para mapalapit sa kaniya.
"What's funny? You want me to tickle you so you could laugh huh." Halos magwala ako sa pagkaka-akbay niya habang tumatawa ng kilitiin niya ako.
"Isa Kent Axel— bitaw!" Sita ko at pinalo palo siya at dahil doon ay natatawa siyang binitiwan ako kaya nagsalubong ang kilay ko at inis siyang tinignan.
"Lakas ng kiliti Sajing," asar niya kaya ngumuso ako.
"Edi wow, bakla." Inis na sumbat ko pero tumawa lang siya at umayos na ng upo.
"Make sure to find it noona," paalala niya sa ate niya.
"I have to work, bye." Paalam niya kaagad at kumaway na lang kaya naman ng makaalis siya ay napangiti ako.
"I have his ring," wika ko at huminga ng malalim.
"I'm kind of relieved that this has an important part for him." Napangiti si Ate Mia.
"Halata ngang happy ka," wika niya.
"Of course ate, sige na po let's do our work." Paalam ko at tumayo na rin tapos ay bahagyang yumuko at hinintay ang kaway nila.
After my work gabi na 'yon, dinner time na natapos yung shift ko at dumeretso kaagad ako sa hotel. Habang papunta ay natigilan ako ng makita na naghihintay rin si Kent Axel sa tapat ng elevator kaya naman mabilis ko siyang siniko ng matabian.
Natawa siya at nginitian ako. "What's up banana?" Ngumiwi ako sa tawag niya sa akin.
"Banana, ikaw ano ka?" Tanong ko ay ngumiwi.
"Gwapo," wika niya sabay pogi sign kaya naman natawa ako at pumasok na sa loob.
"Saji, si Lauren ba—"
"Stop talking about her," wika ko at ngumiwi.
"Luh ang sungit," natatawang sabi niya habang hinihintay ang floor ko ay nagtaka ako ng sumunod siya sa akin dahilan para tumigil ako at harapin siya.
"Sama ako." Ngumiwi ako at humarap na muli at inilagay ang pass code ko at hinayaan siyang makita 'yon.
"H-Hey nakikita ko—"
"Kabisado mo nga ito noon," wika ko pa.
"Really?" Natatawa niyang sagot kaya tumango ako.
"So I often go here? Ano namang ginagawa ko?" Nang makapasok ay 'yon agad ang tinanong niya kaya awtomatiko akong ngumisi bago siya hinarap.
"Guess." Ngising sabi ko sa harap niya at kinagat ang labi ko dahilan para magitla siya at mabilis na tumawa ngunit alanganin.
"Baka inubos ko stocks mo hehehehehehe."
"Pwede rin." Mahinahon kong sabi at dumeretso sa kusina, makiki-kain siguro 'to.
"Sasabayan mo ba ako mag-dinner?" Tanong ko.
"Oo sana," wika niya kaya mas natawa ako dahil naupo siya sa center table.
"Can I look around?" Tanong niya pa kaya naman sumenyas lang ako ng oo.
BINABASA MO ANG
SANDOVAL'S DESIRE
Romance"Isa itong tanong sa kung saan mamimili ka sa dalawa Kent, hindi madali.." natulala ako kung gaano ka-seryoso ang Noona (Ate) ko sa tanong. "But you have to choose right now, in front of this moon." Kaba ang dinulot nito sa dibdib ko, Madalas na p...