Kent Axel's Point of View.
Matapos kumain ng Ice cream ay batid kong lasing pa rin ang kasama ko kaya naman naisipan kong ihatid na siya sa mismong condo niya. Nang makarating sa condo niya ay inalalayan ko na siya dahil nakapikit na siyang naglalakad baka mahagip pa.
"Gising ka pa woi?" Tawag ko rito.
"Mmm gising," wika niya kaya napailing na lang ako at dumeretso sa elevator upang pumunta sa floor niya nang makarating ay hinanap at inalala ko ang condominium number niya kaya naman ng makita yon ay siya ang pinagtype ko ngunit hindi niya mailagay yon ng tama.
"Ano ba ikaw na nga!" reklamo ni Saji at binigay sa akin kaya naman nilagay ko na ng mabuksan yon ay halos mapailing ako ng nakasubsob ang pisngi niya sa mismong pader kaya naman kinuha ko siya at pinapasok sa loob.
"Yabang mag-aya eh." Parinig ko sa kaniya.
"Hakdog 'wag ka na mang-asar diyan." Natawa na lang ako at tsaka binuksan ang kwarto niya at binalikan siya sa sofa.
"Umayos ka Sajing," wika ko at ng deretso siyang tumayo ay bumagsak siya sa kama kaya natawa ako.
"Tapang mo ah," singhal ko.
"Layas na." Utos niya.
"Ingat." Paalam niya at niyakap na ang unan matapos alisin ang sandals na suot niya.
"Alissssss! salamat!" Natawa ako tapos ay nilapitan siya ng magmulat siya ay nagtataka siya base sa pagkunot ng noo niya.
At ayon pinitik ko siya sa noo. "Ang dungis mo." Sita ko tapos kukuha sana ng towel pero wala kaya naman kinuha ko na ang towel ko at lumabas para banlawan ng maligamgam ang towel ko.
Nang matapos ay bumalik ako doon. "Hindi ako nagpapapunas, akin na yan." Nakanguso niyang sabi at inabot 'yon tapos sinabing, "Salamat."
"Pwede ka ng umalis, bye bye." Kumaway pa siya habang nakapikit kaya ngumiwi ako at tsaka ko siya pinitik uli sa noo.
"ARAY KO!" Sigaw niya.
"Ampanget mo alis!" Natawa ako lalo ng pumadyak padyak pa siya.
"Aalis na, multuhin ka sana diyan." Asar ko na ikinalaki ng mata niya.
"Kent Axel." Tawag niya kaya tinitigan ko siya.
"Wae?"
"May multo sa likod m--"
"Kingina, uuwi na ako." Mabilis kong sabi at tsaka siya tinalikuran at sinarado na kaagad ang kwarto.
Nang makauwi ay nakapatay na ang ilaw sa bahay dahil inabot ako ng alas nuebe mahigit, dumeretso ako sa kwarto ngunit bago yon ay natigilan ako ng makita si Lauren na magkakrus ang mga braso at nakatingin sa akin.
"Lauren." Tawag ko sa kaniya tapos ay sa kwarto niya ako dumeretso at nang makapasok ay mabilis akong lumapit upang humalik sana sa pisngi niya pero tinulak niya ako kaya naman natigilan ako.
"Did you enjoy it?" Nangunot ang noo ko sa tanong niya.
"Minsan talaga naiisip ko kung sino ang priority mo." Napamaang ako at tsaka ako sumandal sa pader.
"Amoy na amoy ang alak sa'yo, tignan mo kung anong oras ang uwi mo. Ganon katagal? ano pa bang ginawa niyo ng BEST FRIEND mo?" Diniinan niya 'yon kaya naman binasa ko ang labi at huminga ng malalim.
"Sinamahan ko lang siyang magwind up." Mahinang sagot ko.
"Kumain kami ng Ice cream after drinking, trust me hindi kami gagawa ng kung ano man." Explain ko.
BINABASA MO ANG
SANDOVAL'S DESIRE
Romance"Isa itong tanong sa kung saan mamimili ka sa dalawa Kent, hindi madali.." natulala ako kung gaano ka-seryoso ang Noona (Ate) ko sa tanong. "But you have to choose right now, in front of this moon." Kaba ang dinulot nito sa dibdib ko, Madalas na p...