Chapter 19 [Awareness]

131 15 6
                                    

Kent Axel's Point of View.



Habang kumakain ay tutok na tutok si Saji sa sarili niyang pagkain kaya napangisi na lang ako at kumain na lang rin. "Grabe ang sarap naman dito." Masayang sabi ni Saji kaya tumango tango ako bilang pag sangayon.

Kumain lang kami ng iba't ibang putahe but mostly is yung pinainitan lang or steam lobsters. Matapos namin kumain ay nabayaran na pala ni Zai ang mga kinain namin kaya umalis na lang kami but before that luminga ako sandali sa buong paligid.

"Saan tayo dederetso?" Tanong ni Saji kaya naman napaisip ako.

"Kahit saan." Sagot ko.

"Ihahatid na lang muna kita sa hotel room mo gusto mo ba?" Tanong ko.

"Pwede rin pero--"

"Kami na bahala sa susuotin mo." Sagot ko at inakbayan na siya tapos ay tinangay sa kung saan.

"Makahablot naman! parang bag lang ako ah." Reklamo niya pero hindi ko siya pinakinggan.

"Tara na." Nang maihatid ko siya sa kwarto niya ay tumawag ako ng staffs namin rito sa hotel. "Yes sir?" Tanong niya sa magalang na paraan na sinabayan pa niya ng pagyuko.

"Buy her some clothes to wear, A decent one and buy her some swim suits that is also decent." Nangunot ang noo niya at alanganing tumawa.

"P-Papaano pong decent sir?"

"Simple lang yung hindi makikita ang mga dapat hindi makikita." Napalunok ito at bahagyang yumuko na lang kaya umalis na ako at tsaka ako dumeretso sa pad ko dito sa taas.

"Sir magkano po ang budget natin?"

"Just buy her some I don't care about the budget. Use this." Dinukot ko ang wallet ko tapos ay inabot sa kaniya ang ATM card ko.

"Yes sir." Yumuko ito muli kaya pumasok na ako sa elevator at pumunta sa solong floor ko.

"Nang makapasok ay sinenyasan kong lumabas ang mga staff na nasa loob kalaunan ay mabilis naman silang sumunod sa akin dumeretso ako sa kama at pumikit.

Makalipas ang ilang oras ay bumuntong hininga ako at tumayo upang magbihis dahil balak kong magtambay sa beach. Nabasa ko rin kasi ang text ni Hyung Zai na lalangoy sila.

Nang sandaling matanaw ko sila sa dalampasigan ay nakita ko rin sila mom at dad na kasama si Laze kaya tumikim ako ng makalapit sa kanila. "Kagigising mo lang?" Tanong ni Hyung Zai.

"Mm pagod ako." Mahinang sagot ko at tsaka ako naupo sa mismong pinong pino na buhangin.

Nakita ko naman si Saji na nakasuot ng rush guard nakatampisaw ang mga paa at nilalaro ang mga tubig sa bawat alon. "Laze don't catch them all.. Papakawalan mo rin 'yan ah." Napalingon ako kay Laze at nakangiti siyang nilapitan.

"Are you catching baby crabs?" nakangiting tanong ko kay Laze.

"N-Ne.." Sa pagsagot niya ay inilahad niya ang kamay sa akin at doon ay nakita ko ang tatlong maliliit na crabs sa kamay niya na nakukuha niya sa bawat sand.

"Sasakay daw ba tayo?" nalingon ko si Saji na nakaturo sa yate kaya naman nilingon ko si Hyung Zai na patango tango kaya naman nilingon ko sila mom at dad.

"Let's go mom, dad." Nakangiting sabi ko at dahil katabi ko na si Laze ay binuhat ko na siya dinala niya naman ang bucket na may buhangin at tubig tapos nilagay niya doon ang mga mahigit apat o tatlong maliliit na crab.

Nang makasakay ay dumeretso ako sa mauupuan ay ibinaba si Laze kasama si mom. Habang naglalayag ay napalayo na kami at sa kalagitnaan ng byahe ay mas bumilis ang yate.

SANDOVAL'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon