Chapter 52 [State it clear]

126 15 24
                                    

Saji Argelia's Point of View.

Panay ang buntong hininga ko ng nandidito si Gavin at may dala dalang pagkain, tinitigan ko siya at kinuha 'yon tapos ay ng mabuksan ay hinarap ko sa kaniya.

"Why don't you eat this?" dinampot ko ang lettuce at naglagay ng lean meat doon at tsaka ko binalot at inabot sa kaniya.

"You need that more than I do, are you not aware?" tanong ko napalunok siya at kinain yon.

"Well it taste good, but I bought it for you." Tila inosente niyang sabi kaya naman napabuntong hininga ako at tinanggap na lang 'yon.

"Thanks then you can go back to your room and rest," tugon ko at kumain na lang. Nang tignan ko siya ay nakangiti siya kaya bumuntong hininga ako.

Nang tumayo siya at umalis ay napasandal ako sa swivel chair at ipinikit ang mga mata. Kinain ko na lang ang binigay niya at tsaka inabot ang drink na kasama ng food.

I want to eat samgyeopsal with my lovely love, wait that sounds so corny right?

I'm sure he's super busy, nakita ko lang naman yung case load something niya napakarami. What if ako ang bumisita sa law firm niya? Great idea!

Matapos kumain ay tumayo na ako at inabot ang bag ko, habang tinatahak ang daan papunta sa law firm niya ay nakagat ko ang ibabang labi.

Should I buy him some food? Drinks? Of course you should bumalik ako sa cafe at nagmamadaling umorder.

Nang maka-order ay naglakad na akong muli papunta sa building niya, first time kong makakapunta sa law firm niya.

Nang makarating ay nagulat ang nasa lobby kaya ngumiti ako at tumango na lang. "What floor?" tanong ko.

"Ah doc ano kasi may clie—"

"I'll wait outside his office naman don't worry," nakangiting sabi ko.

"S-Sabi niya po kasi huwag daw po silang istorbohin at huwag daw po ako magpapaakyat sa floor niya." Nangunot ang noo ko sa sinabi nito.

"Why?"

"Y-Yon lang po ang sinabi eh," bulong nitong sagot kaya naman nangunot lalo ang noo ko at bahagyang kinabahan.

Babae ba ang client niya? B-Bakit kailangang huwag silang istorbohin?

"Just tell me the floor miss." Malamig kong tugon at tsaka ko siya tinitigan.

"Don't ever give him a call that I am here, I'm going to surprise him." Hindi pakiusap ang sinabi ko, kundi isang banta.

Nang maibigay niya ay umakyat na ako kaya naman pagkapasok sa elevator ay mariin kong nakagat ang ibabang labi sa tumatakbo sa isip ko lalo na't babae ang client.

I hate myself for not trusting him, I actually hate myself for over thinking. I can't deny that I am guilty accusing him in my thoughts.

Nang makarating sa floor ay nakagat ko ang ibabang labi ko at nanlalamig ang kamay na humakbang papalabas, napalunok ako ng hindi gaanong nakasara ang office niya.

It's 2 PM already, naglunch na ba siya?

Pinigil ko ang tunog ng takong na suot at tsaka ako humakbang papalapit sa pinto ngunit natuod ako sa kinatatayuan ng matuklasan ang hindi ka-aya aya sa paningin.

Napalunok ako kasabay ng mahigpit na pagkapit ko sa bag at coffee ay ginawa kong tumalikod at bumalik sa elevator upang umalis na.

It's a misunderstanding right? That kiss is nothing?

Napapikit ako ng mariin at pilit kong kinalma ang sarili, ngunit luha ang sumagot sa tanong ko dahilan para mabilis ko itong punasahan.

Nang nasa lobby na ay inayos ko ang sarili at ngumiti. "I have an urgent patient kasi, you can just enjoy this with your friends." Nakangiting sabi ko sa nasa lobby.

SANDOVAL'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon