Chapter 65 [Sarcasm]

119 11 21
                                    

Saji Argelia's Point of View.

Fiancé? Sino naman kaya yung lucky girl?

"Ah fiancé n-nice." Bulong ni Kuya Zai at sinilip ako ngunit umiinom lang ako, itinago ko rin ang kwintas sa kung saan nandoon ang singsing na binigay niya sa akin.

"Sana all ikakasal," sarkastikang sabi ni Lauren at sinulyapan ako kaya naman panay inom lang ako hanggang sa may kumatok sa pinto ng VIP room ay tumayo na ako.

"He's here." Saad ko at saktong pagkabukas ay ngumiti si Nurse Chi nasa likod niya si Doctor Althea.

"Hala sorry talaga Doc Saji, naabala ka pa namin. Dapat kasi isang operation lang kaya lang may dumating pa na pasyente. Salamat sa pag-alaga kay Kent doc." Nginitian ko sila at inabot ko si Baby Kent sa kanila.

"It's okay, I had fun having Kent." Pag-diin ko pa sa pangalan na Kent.

"Sige doc salamat— attorney nakabalik ka na pala." Bati ni Doctor Althea kaya naman pasimple akong napapikit at huminga ng malalim.

"Mm." Tugon niya lang.

"Sige doc una na kami, doc babye!" Paalam ni Nurse Chi at ng makalabas sila ay bumalik na ako at naupong muli sa kinauupuan at naglagay ng wine.

"Hoy maubos mo," sita ni Kuya Zai kaya umirap ako.

"I can buy a lot," I stated and drunk more.

"That's enough Saji, nagiging tubig mo na ang alak." Sita ni Kuya Luke kaya wala akong nagawa kundi ibaba 'yon.

"It's done naman na 'di ba? I can leave na? It's my day off today, I want a rest." Maayos na sabi ko.

"Mamaya na," bulong ni Kuya Zai.

"Makibalita ka muna," mas mahinang bulong niya.

"Ayoko." Bulong kong muli.

Nang magtama ang paningin namin ni Ate Mia ay nagsosorry ang tingin niya sa akin kaya ngumiti ako. "Gaano na kayo katagal Kent Axel?" Tanong ni Kuya Luke kaya naman nakagat ko ang ibabang labi.

I don't know his plans, hindi niya naman nalaman ang rason ko kung bakit ko 'yon ginawa. "Can I not answer your question hyung?" Kent Axel scoffed that made me gulp.

"Alright, how about you Saji? Why does it feel like you came outside the country too?" Napatingin ako kay Kuya Luke.

"May galit ka ba sa akin?" Tanong niyang muli kaya tumikhim ako.

"No oppa." Maayos kong sagot.

"Sa hospital hindi mo ako gaano kinakausap, hindi mo rin ako gaano pinapansin, you're being weird." Nakagat ko ang ibabang labi at umiling.

"Nothing is wrong oppa. I just don't like to communicate with anyone just like that." Pakiramdam ko ay napapahiya ako.

"Anyone but Zai and Gavin?" Napapikit ako at huminga ng malalim.

"I am not comfortable talking to you oppa, I hate being scolded." Pag-aamin ko ng totoo.

"Why is that? I received a lot of report that you're attitude is not good enough, ang ikli ng pasensya mo sa pasyente. Are you a doctor?" Napatingin ako kay Ate Mia wanting her to help me.

"That's enough baby, scold her after this dinner that may do." But then Kuya Luke didn't listen.

"Yung isang pasyente sinigawan mo, is that a right attitude—"

"Luke enough, there's a reason why she did that." Pag-awat ni Kuya Zai habang si Kent Axel ay tahimik na nakatingin sa kupita niya.

"I wish I didn't come here." Bulong ko.

SANDOVAL'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon