Saji Argelia's Point of View.
Panay ang pagtulo ng luha ko habang pinanonood ko silang i-revive ang mommy ko, natatakot ako. N-Never pa akong namatayan ng kamag-anak, hindi ko kakayanin lalo na't mommy ko pa.
"200 joules!" malakas na sigaw ni Ate Mia at gamit gamit ang defibrillator ay pilit niyang binabalik ang heartbeat ng mommy ko.
"Charge!"
"D-Doc it's been 15 minutes," nakagat ko ang ibabang labi ng marinig ko ang mahinang sabi ng nurse.
Nanginginig ang kamay ko habang nanonood ngunit ng sandaling tumigil na si Ate Mia ay kusa akong napaluhod dahil ako mismo alam ko na ang sagot.
"S-Saji," may yumakap sa akin mula sa pagkakaluhod ko at dahil doon ay mas lumakas ang pag-iyak ko at hindi inisip ang iisipin ng fellow Doctors ko.
"This is just a d-dream right? I-I know I have to wake up." Hinawakan ni Kent Axel ang dalawang pisngi ko ngunit sa mga tingin niya ay nakuha ko ang sagot dahilan para mas umiyak ako.
"T-Time of death 10:56 PM, patient Garcia expired." Nang sabihin 'yon ay tila nabingi ako, damang dama ko ang panghihina ng tuhod.
"K-Kakabati l-lang namin," hindi ko na naituloy ang sasabihin ng panay paghikbi na lang ang nagawa ko.
Nagising ako at agad kong naramdaman ang bigat ng katawan kung kaya't doon ko napagtanto na nasa office ako.
"G-Gising ka na pala," wika ni Kent Axel kaya napatitig ako sa kaniya.
"S-Si mommy?" tanong ko kaagad.
"Nasaan si mommy?" napatitig siya sa akin dahil sa tanong ko, kaya naman tumayo ako at lumayo sa kaniya.
"Nasaan si mommy?" pag-uulit ko.
"S-Saji," sambit niya kaya naman tinakpan ko kaagad ang tenga.
"No, I don't want to hear i-it." Pakiusap ko at naupo sa sahig, napayuko ako sa mga tuhod ko bago pa man ay para akong batang iniwan ng ina.
"I'm so sorry," bulong ni Kent Axel.
Umiling iling ako tapos ay nilayuan siya, masama ko siyang tinignan ngunit ang mga mata niya ay malamlam. "U-Umalis ka muna sa harapan ko," pakiusap ko.
"B-But—"
"I'll end up blaming you Kent Axel, I'll end up hating you! H-Huwag ka munang magpapakita sa akin dahil maninisi ako." Umiiyak kong sabi.
"Then blame me if that will help you," mahinahon niyang sabi kaya umiling iling ako.
"It's not enough, nakikiusap ako umalis ka na muna." Tumango siya at naglakad papalabas kaya naman napapikit ako na para bang nababaliw.
Hindi ako makapag-isip ng tama. Matapos ang mga oras na 'yon ay sinundo ako ni Kuya Luke at Kuya Zai upang dalhin sa funeral ni mommy.
Nang makarating ay natigilan ako ng makita si daddy na nakatulala lang, napa-iwas tingin ako at lumapit sa kabaong ni mommy ngunit wala pa man ay muli na naman akong umiiyak.
I end up hugging her coffin while my cheeks are full of tear drops.. I feel numb but then I feel so tired and I feel so weak.
Kent Axel's Point of View.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay nila Kuya Luke ay una kong nakita si Saji na nakayuko sa gilid ng coffin dahilan para mapaiwas tingin ako at pigilan ang luha.
Lalapit na sana ako ngunit mabilis na may palad na pumigil sa dibdib ko. "M-Mas mabuting huwag mo muna siyang lapitan Kent Axel," nakikiusap na sabi ni Kuya Luke dahilan para maupo ako sa gilid at nanatiling pinanonood siya.
BINABASA MO ANG
SANDOVAL'S DESIRE
Romance"Isa itong tanong sa kung saan mamimili ka sa dalawa Kent, hindi madali.." natulala ako kung gaano ka-seryoso ang Noona (Ate) ko sa tanong. "But you have to choose right now, in front of this moon." Kaba ang dinulot nito sa dibdib ko, Madalas na p...