Chapter 48 [The Answer]

132 14 42
                                    

Saji Argelia's Point of View.


Hindi ko sinagot ang tanong niya at kumain na lang, tumikhim rin siya at kumain na lang. Naging tahimik ang hapag kainan hanggang sa matapos kami ay tinulungan niya ako sa mga gamit ko.

Hindi na siya muli pang nagsalita matapos no'n kaya naman nang malapit na sa floor ng penthouse ko ay tinignan ko siya ngunit deretso lang ang tingin niya.

"Kent Axel." Pagtawag ko sa kaniya dahilan para lingunin ako.

"Hmm?" tugon niya.

"I want to be yours officially," wika ko dahan dahan at kinakabahan, natigil siya at tila nagprocess pa sa isip niya ang sagot ko.

"Y-You mean you're accepting me already?" bahagya pa siyang nautal kaya tumango tango ako hanggang sa bumukas na ang elevator ay nilingon ko siya.

"W-Wait—"

"Tara na, sa loob mo na i-process yan." Natatawang sabi ko at hinawakan ang kamay niya ngunit siya ay tahimik ngunit halatang hindi makapaniwala.

Nang mabuksan ang penthouse ko ay nilingon ko siya na nakatulala pa rin kaya naman inabot ko ang kamay niya at hinila siya sa loob.

Nang mahila siya sa loob ay napailing iling na lang ako, kakaibang reaksyon kung sabagay hindi pa naman pala siya napasok sa isang opisyal na relasyon. "Maupo ka muna doon, magbibihis la—" nanlaki ang mata ko ng mabilis niya akong hilahin papalapit sa kaniya.

Lumunok ako ng tingalain siya at lumunok ako ulit ng salubungin ang mga mata niya. "A-Ayaw mo ba sa sagot ko?"

"Gusto," bulong niya.

Naramdaman ko naman ang paghigpit ng pagkakahapit niya sa bewang ko kaya naman ngumiti ako. "Then why are you like that?" itinuro ko ang mukha niya.

"It's because I don't know how should I react, but I want you to know how happy I am right now." He paused to smile.

"I just can't believe it, thank you." Mahinahon niyang sabi kaya naman lumabi ako.

"I may be look normal but," he reached my hand and it made me gulp as he puts my hand on his chest, "I am not normal anymore, my heartbeat goes crazy." Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ng maramdaman ang sobrang bilis at lakas na tibok no'n.

"A-Ah ganoon ba?" bulong ko nangangapa ng sasabihin dahil bigla akong nahiya.

"Why are you so red? suddenly," wika niya at ang daliri ay pinadaan sa pisngi ko dahilan para mapalunok ako ng sobra. "Are you expecting me to do something illegal in your ways?" he said and look down on my lips.

"I-Illegal?" paglilinaw ko pero matipid lang ang naging tugon niya sa pamamaraan ng paghawak niya sa baba ko at iangat iyon bahagya.

He slowly reached my lips that made me close my eyes, nang lumapat ang labi niya ay kusang humawak ang kamay ko sa bandang taas ng pulsuhan niya, ang dampi na yon ay dampi lang talaga. Pakiramdam ko ay inaasar ako ng mga labing 'yon at sinabayan niya pa lalo.

Nang humiwalay siya ay ngumiti siya kaya naman tinitigan ko lang ang mukha niya. "I really wanted to kiss you but I have to shower, I'm sure I taste like wine and you hate th--"

"I don't," wika ko ngunit huli na para marealize ang sinabi ko na mahinang nagpatawa sa kaniya.

Nahihiya akong lumayo at nag-iwas tingin, parang sinasabi no'n na sabik ako sa halik niya ano ba naman kasing isip yan. "M-Mag shower ka na muna, a-ako rin." Paalam ko at kumaripas ng takbo sa kwarto ko dahil may banyo pa naman doon.

Hindi ko alam kung umalis ba siya o nanatili sa labas hindi ko alam wala akong ideya dahil sa kahihiyan na nasabi, habang nags-shower ay matagal akong nagtoothbrush.

SANDOVAL'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon