Kent Axel's Point of View.
Tahimik lang si Saji na nakaupo at nakatanaw sa malawak na paraangang nasa harapan namin, bumuntong hininga ako at isinandal ang ulo ko sa balikat niya bahagya niya naman akong nilingon ngunit bumuntong hininga na lang.
"Why does it feel like i'm dying?" bulong kong sabi at pumikit.
"It's because you're broken, time will past and that wound will be a scar." Mahinahon niyang sabi kaya nanatili ako sa ganitong pwesto at dinamdam ang malamig na hangin.
"Parang sa isang operasyon, maayos at mapapalitan ang nasira pero yung bakas ng hiwa at tahi ay sobrang hirap ng tanggalin mananatili 'yon at ipaalala no'n sa'yo kung ano yung dinanas mo para matuto ka na at hindi umulit." Mahinahon niyang sabi kaya naman bumuntong hininga ako.
"Is that so?"
"Mm, Umaasa rin ako na tulad mo ay sa tamang panahon hihilom ako upang makapagsimula ulit." Napaayos ako at tinitigan si Saji.
"You can tell me if you have any problem, If I can't help I can listen." Maayos kong sabi pero mahina siyang tumawa.
"May problema ka rin at hindi ko na nanaising dagdagan pa ang isipin mo," saad niya at bahagyang bumuntong hininga.
"Thank you." Bulong ko.
"That's why I became your best friend at the short time we met." Bulong niya pa halos bulungan ang usapan namin na para bang hindi maaring marinig ng iba ang usapan.
"Hindi naman basehan ang oras upang maitalata ang isang relasyon ng mga tao. We became best friends because we vibe and we get each others thought." Sagot ko.
"Mm maybe," wika niya at umayos.
Hindi siya nagsalita at tahimik lang akong sinamahan kahit pa inabot kami ng dilim kaya naman huminga ako ng malalim. "Let's go, hahatid na kita." Mahinang sabi ko at tumayo na.
Inalok ko naman sa kanya ang kamay ko ngunit matipid siyang ngumiti at tumayo sa sarili niyang paa. "Aabutin ko na lang yan pag kailangan ko na ng tulong mo." Sagot niya kaya naman matipid akong ngumiti.
"Let's go." Yaya niya at nagpauna kaya naman sumabay ako.
Nang makasakay sa drivers seat ay huminga muli ako ng malalim. Nang paandarin ang sasakyan ay hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa condo niya.
"S-Saji." Pagtawag ko ng bababa na sana siya.
"B-Bakit?" Nauutal niyang tanong ang mga tingin niya ay iniiwas sa mata ko.
"Let me stay in yours," wika ko, nahihiya.
"H-Ha?"
"I don't wanna go home." Bulong ko.
"A-Ano.."
"Please?" Tinitigan ko siya hanggang sa huminga siya ng malalim at tumango kaya matipid akong ngumiti at bumaba ng sasakyan.
Nang makababa ay sumabay siya kaya naman nakapamulsa akong sumabay sa lakad niya napapansin ko naman na sinusulyapan niya ako.
"M-Mamaya magluluto na lang ako kaya sabihin mo," sambit niya kaya tumango ako at sumakay na sa elevator kasabay siya.
Habang tinatahak ang pataas ay nakagat ko abg ibabang labi ng paulit ulit na bumabalik sa akin ang ala ala ng mga sinabi ni Lauren sa akin.
Nang makarating sa floor niya ay bago pumasok natigilan kami ng makita ko yung babaeng katapat lang ng pad ni Saji. "Mabuti naman at maayos na ang relasyon niyo, nakikita ko naman na mabuti ang intensyon ng puso niyo." Napalunok ako at tsaka nilingon si Saji.
BINABASA MO ANG
SANDOVAL'S DESIRE
Romance"Isa itong tanong sa kung saan mamimili ka sa dalawa Kent, hindi madali.." natulala ako kung gaano ka-seryoso ang Noona (Ate) ko sa tanong. "But you have to choose right now, in front of this moon." Kaba ang dinulot nito sa dibdib ko, Madalas na p...